Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masaya sa personal na buhay at career: Beauty titlist Faye Tangonan nagkamit ng tatlong int’l acting awards sa film na TUTOP

Aside sa pagiging beauty title holder na Ms. Hawaii Filipina (2017), Ms Philippine Earth at Ms Universal International of 2018 ay isa nang ganap na actress ang realtor sa Honolulu, Hawaii na si Ms. Faye Tangonan na owner na rin ng Beachside Food Park sa lugar nila sa Claveria Cagayan.

Yes tatlong international major awards na Best Supporting Actress para sa suspense-drama-thriller
movie na “TUTOP” ang iginawad kay Faye sa Tagore International Film Festival (India), Oniros Film Festival (Italy) at sa Hollywood USA na Festigious Intl Film Festival. Kasama ni Ms. Faye sa Tutop ang gumanap na bidang si Direk Romm Burlat at actor-singer na si Ron Macapagal at si Mar C. Gabas ang kanilang director sa nasabing film na release rin abroad. Well for us base sa teaser ng Tutop na aming napanood. Kahit naturingang newcomer ang nasabing petite beauty queen sa show-
biz at pag-arte, deserved niya ang napanalunang 3 Int’l Best Supporting Awards dahil natural siyang umarte at ipinanganak na yata siyang actress.

Natengga man ng pitong buwan sa Claveria
Cagayan dahil sa matagal na lockdown ay masaya at feeling fullfiled si Faye dahil bukod sa kanyang pamilya ay kasama niya ang kanyang supportive na special someone singer-actor na si Lester Paul Recirdo at ang kanilang bundle of joy na nagpapasaya sa kanila ni Lester na si Baby Sky na lumalaking cute at guwapo tulad ng kanyang daddy Lester.

Sila rin ng partner niyang ang nagpapatakbo ng Resto sa kanilang resort sa Cagayan. Nasa kanila raw ang Best Chef kaya magugustohan ng lahat ang kanilang mga food. Missed na rin nilang pareho ni Lester ang showbiz pero habang hindi pa nagbabalik sa normal ang sitwasyon ay negosyo na lang muna nila ang kanilang
aatupagin. Nasa Hawaii pala ngayon si Ms. Faye at ‘yung matagal ng realty business ang kanyang
tinututuka dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …