Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom Rodriguez, problemado kay Thea Tolentino

ALAMIN kung bakit nga ba puno ng kamalasan ang karakter ni Tom Rodriguez sa fresh episode ng award-winning drama anthology na  Dear Uge Presents: Read My Heart ngayong Linggo (Oktubre 25).

Matapos ang kanilang hindi matigil na bangayan, malalaman ni Lalai (Eugene Domingo) na puno pala ng problema ang buhay ng kanyang English tutor na si Elmer (Tom) at ang dahilan ng pagiging matampuhin nito ay ang ex-girlfriend niyang si Claire (Thea Tolentino).

Mas mauunawaan na ngayon nina Lalai si Elmer gayundin naman ang lalaki na mare-realize na mabait na tao pala si Lalai na may positive outlook sa buhay. Kalaunan, naging matalik na magkaibigan din ang dalawa.

Ngunit panibagong kamalasan naman ang haharapin ni Elmer dahil may grupo na magbabanta sa buhay niya. Ano kaya ang dahilan nito? Sino-sino sila? Magkabalikan kaya sina Elmer at Claire sa tulong ni Lalai?

Tutukan ang ikalawang bahagi ng Dear Uge Presents: Read My Heart ngayong Linggo, 2:45 p.m., sa GMA-7!

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …