Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, pangungunahan ang The Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs

MULING ipinakita ng talented na artist na si LA Santos ang kanyang pagmamahal sa OPM (Original Pilipino Music) nang i-launch ang bagong show na The Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs.

Ito ay magsisimula ngayong Friday, October 23 at mapapanood @ 7PM sa 7K Sounds Facebook Page.

Si LA ang founder at flagship artist ng 7K Sounds, isang music label. Isa si LA sa magiging main host ng show kasama ang newscaster at TV host na si Gretchen Ho. Makakasama rin sa show sina artist/vlogger Iman Franchesca, singer-songwriter Nicole Asensio, at ang executive at creative ng 7K Sounds na si Direk Alco Guerrero.

Isa sa nasa likod ng proyektong ito ang mom ni LA na si Ms. Flor Santos. Kaya naman kinilala ni LA ang papel dito ng kanyang mahal na mommy.

Saad ni LA, “My mom has always been there for me since I was a kid. She knows my passion and I get a hundred percent support from her.”

Ang goal ng nasabing show ay makahanap ng panibagong Filipino Christmas songs na magbibigay ng pag-asa sa bawat Filipino lalo sa panahon ng pandemya.

Bago nagkaroon ng pandemic ay naitatag na ni LA ang kanyang sariling record label, ang 7K Sounds na kumakatawan sa higit seven thousand islands ng Filipinas. Out of 7K Sounds ay nagbuo na rin si LA ng sariling digital platform at sa kauna-unahang pagkakataon ay gagamitin niya ito para maabot ang iba’t ibang audience sa buong bansa at sa ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Simula sa darating na December 4 to 10 ay maglo-launch ang 7K Sounds ng composer’s singing/instrumental competition show on FB Live ng The Search for the Sounds of 7K Christmas Songs na may naghihintay na P25,000 cash sa mananalo.

Ipinahayag din ni LA na sobra siyang excited sa kanilang digital show.

“Lahat ng mga nakarinig na sa akin, alam nilang sobra-sobrang passionate ako sa OPM. I want OPM to make a name for itself. I wanna hear Filipino says, I love OPM.

“Parang probably, iyong K-Pop sobrang own nila ‘yun, proud sila. I want Filipinos to achieve that, that certain level of love to our music and I want Filipinos to understand that we Filipinos are very-very great singers talaga,” saad ng guwapitong singer.

Proud pang sinabi ni LA na tinitingala ng maraming foreigners ang husay ng mga Pinoy pagdating sa musika. Ineengganyo rin niya ang lahat na galugarin pa o i-explore at tuklasin pa ang talentong ito.

“So I want for us to discover that more and explore that more. May platform na tayo e, kasi sayang, e. We have this platform na we can take advantage of and we have this platform na very-very luck to have kasi hindi lahat ng tao mayroon nito,” deklara pa ni LA.

Narito ang criteria para makasali sa The Search for the The Sound of 7K Christmas Songs: open to all unsigned Filipino music artists aged 16 and above upon submission of entry, open to all individuals and groups, each contestand must submit an audition piece with an introduction and at least one original Christmas song.

Send your entries to: [email protected], qualified participants will get the chance to be featured on The Sound of 7K Christmas online show.

May partisipasyon din ang viewers na puwedeng makapili ng mga magugustohang Christmas songs sa pamamagitan ng online voting. Kaya kailangang makinig every week dahil ang online voting ay mag-uumpisa sa December 4 hanggang Dec. 10, 2020.

Ang mga magwawagi ay ilalahad sa final episode na mapapanood sa Dec. 11, 2020 at tatanggap ng P25,000.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …