Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella Salvador, nanganak na?

NANGANAK na nga ba si Janella Salvador sa isang ospital sa UK? Nauna rito, may mga source na nagsasabing si Janella ay buntis nga at manganganak sa buwan ng Oktubre. Bago iyon, si Janella ay walang sabi-sabing nagpunta sa UK kasama ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson, tapos sumunod pa roon ang ermat niyang si Jenine Desiderio, kasama ang kanyang kapatid na lalaki, at nakita naman na silang lahat ay nasa bahay nina Markus sa UK.

Walang umaming buntis nga si Janella, pero wala rin namang nag-deny. Noong isang araw mukhang dahil sa excitement ay nakapag-post si Markus sa kanyang social media account ng isang babae na bahagyang natatakpan ang mukha, pero maliwanag na natutulog sa isang hospital bed. Makikita pang siya ay may suot na hand tag, na karaniwan sa mga pasyente.

Pagkatapos niyon may post din siyang picture ng isang bagong panganak na sanggol na kuha sa nursery ng isang ospital. Maliwanag sa dalawang picture na ang babae sa ospital ay nanganak, at iyon ang anak niya. Kasi kung ang babae naman ay na-Covid, bakit may picture pa ng baby? Pero makaraan lang ang isang oras yata, naisip din siguro ni Markus kung ano ang ibubunga ng kanyang post. Biglang na-delete iyon sa kanyang social media account.

Eh kung nakita mo nga iyon, ano naman ang iisipin mo sa mismong post na iyon ni Markus? Para siyang isang bagong tatay na excited sa kanyang naging anak. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang tatay ng bata at kung excited man siya. Hindi ba normal na reaksiyon lang naman iyon ng isang naging tatay sa kauna-unahang pagkakataon, lalo na nga kung mahal mo talaga ang nanay ng bata.

Wala pa ring reaksiyon ang natsitsismis na lola.

(Dahil binura na ang sinasabing pictures na post ni Markus, sa Fashion Pulis na lamang kami naka-grab ng picture)

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …