HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamahalaan partikular ang Department of Budget and Management (DBM) na i-release na ang pondong nakalaan para sa Bayanihan to Recover as One Act o mas kilala sa tawag na Bayanihan 2.
Sinabi ni Go, minadali ng legislative branch ang pagpasa sa measure para mabilis na matulungan ang mga mamamayan, mapabilis ang economic recovery at mapalakas pa ang paglaban ng bansa sa pandemyang CoVid-19.
Kinompirma ni Go, nakausap niya hinggil sa pondo si Budget Secretary Wendel Avisado para mayroon nang magamit sa mga proyekto ng gobyerno hinggil sa CoVid-19.
Tiniyak umano sa kanya ni Avisado na ginagawan na ng paraan para agad mai-release ang pondo base sa nakasaad sa bagong batas.
Kaugnay nito, siniguro ni Avisado na ipinag-utos niyang sa loob ng 24-oras ay dapat mailabas ang pondo matapos matanggap ang request at makompleto ang requirements pero inilinaw na hindi posible ang omnibus release dahil kailangang sundin ang mga proseso.
(CYNTHIA MARTIN)