Monday , December 23 2024

‘Pastillas’ money ginamit sa eleksiyon (Ayon sa whistleblower)

ISINIWALAT ng kauna-unahang whistleblower na si Immigration Officer Allison Chiong na ang iba sa kanilang nakukuhang pera mula sa kontrober­siyal na ‘pastillas’ scam ay itinatabi upang gamitin sa pangangampanya ni dating Port Operations Division chief Marc Red Mariñas bilang alkalde ng Muntinlupa.

Nakuha umano ni Chiong ang naturang impormasyon mula sa matataas na operator ng naturang scam dahil sa kanilang follow-ups sa late payouts.

Mariin itong itinanggi ni Mariñas na humarap din sa nasabing pagdinig ng Senado.

Wala aniyang katoto­ha­nan na mayroong pyramid ng ‘pastillas’ scheme at iginiit din na hindi siya ang mastermind ng tiwaling gawain.

Partikular na pinanga­lanan ni Chiong sina TCEU terminal heads Glennford Comia, Denden Binsol, at Benlado Guevarra na kabilang sa ‘pastillas group.’

Ayon kay Chiong, kaya raw sikat na sikat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pangalan ni Mariñas ay dahil pinalulutang na tatakbo siya bilang mayor ng Muntinlupa at ang perang gagamitin ay mula sa mga nalikom na pera ng Chinese nationals.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *