Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahihirap prayoridad sa bakuna vs CoVid

IPINAALALA ni Senate committee on health chairman Senator Christo­pher “Bong” Go na dapat unahin ang mahihirap at vulnerable sectors kapag nariyan na ang bakuna.

Kasunod ito ng paglalatag ng Department of Health (DOH) ng timeline para sa vaccine trial para sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go, tulad ng sinabi ni Pangu­long Rodrigo Duterte, kailangang mauna ang mahihirap dahil sila ang mga kailangang lumabas para makapaghanap­buhay.

Agad naman tumugon si Health Secretary Francisco Duque III sa pahayag ni Go at sinabing kabilang sa mga uunahin ang health workers, frontliners, mahihirap, at maging ang uniformed personnel ng pamahalaan kabilang ang AFP at PNP.

Tiniyak din ni Duque, patuloy ang koordinasyon nila sa World Health Organization (WHO) para sa pag-develop ng vaccine habang natukoy na rin ang mga lugar at ospital na magagamit para sa phase 3 ng clinical trials.

Sa pagdinig, tinanong din ni Go si Duque hinggil sa update sa clinical trial at ano ang requirements para sa mga gustong sumali sa trial.

Base sa pagtatanong ni Go kung kailan inaasahang mabubuo ang CoVid-19 vaccine, sinabi ni Duque na inaasahan  ang bakuna sa Abril 2021. (C. MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …