NAKATUTOK muna si Tokyo Olympics-bound Irish Magno sa kanyang boxing clinic habang naghihintay ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na silang mag-ensayo.
May boxing clinic si Magno sa Iloilo City, tinutulungan niya si coach Raynald Ardiente sa pagtuturo ng basic boxing sa Fitstart Gym sa mga kabataan na gustong mag boksing.
“Tinuturuan ko sila ng mga basic moves in boxing lang. Once a week lang every Saturday po,” hayag ni Magno.
May sariling training ang ginagawa ni 24-year-old Magno bilang paghahanda sa Olympics Games sa susunod na taon, pero mas mainam pa rin kung papayagan na ng IATF na magbalik ensayo na ang mga atleta lalo na ang Olympic qualifiers at hopefuls.
“Tuluy-tuloy pa rin ang online training po namin from Monday to Friday,” ani Pinay boxer Magno.
Maliban kay Magno, ang ibang nakakuha ng slot sa quadrennial meet ay sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxer Eumir Felix Marcial. (ARABELA PRINCESS DAWA)