Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie, natutong umarte dahil sa mga panghuhusga

HINDI ine-expect ni Kylie Verzosa na sobra-sobra siyang magiging nbusy sa pagiging artista. Aminado rin siyang hindi naging madali para sa kanya ang pag-arte. Pero dahil na rin sa panonood sa TV at sa mga naging kasama, unti-unting nadaragdagan ang kaalaman niya sa pag-arte.

Sa Digital Media Conference ng Viva para sa kanilang Ghost Adventures 2, sinabi ni Kylie na, ”Noong una talagang nahihirapan ako kasi bago pa. ‘Yung pag-improve mo as an actress nakikita siya sa TV. Siyempre noong bago pa ako hindi pa ganoon karunong, so nakikita lahat ‘yung frustrations ko. Pero natututo kasi tayo na nakikita ng tao, so may paghuhusga rin doon.

“Pero dahil sa mga failure na ‘yun, mas naengganyo ako na gawin ang best ko. Naiinis kasi ako kapag hindi ko nagagawang mabuti ang isang eksena o hindi ko nagagawa ang isang bagay na mabuti. Kailangan gawin ko iyong mabuti.”

Kaya naman nakatulong ang quarantine kay Kylie para sanayin ang sarili sa pag-arte. Nag-workshop siya sa kanyang magaling na boyfriend na si Jake Cuenca.

“Kaya nitong quarantine, nagwo-workshop lang ako. Minsan tinatanong ko si Jake. Super helpful kasi si Jake sa career ko, so nagbabatuhan kami ng lines and I asked for his advice on how should I do this and that. Para handa na ako sa pagpunta sa set.”

Sobra-sobra rin ang pasasalamat ni Kylie na maganda ang takbo ng career niya. “Hindi ko ine-expect at sobrang nakatutuwa lang na masaya lang ako na magtrabaho. Sobrang grateful ako na nabibigyan ako ng opportunity.”

Hindi naman nahirapan si Kylie sa pagko-comedy dahil inalalayan siya ng mga kasamahan niyang sina Benjie Paras at Empoy Marquez.

“Go with the flow lang ako. Pinanonood ko sila at importante sa akin ‘yung pagsasama namin sa set dahil nga sa lock-in, mas nakapalagayang loob ko sila. Parang wala naming awkwardness sa set sobrang madali lang right away,” anang beauty queen.

Pinuri naman ni Benjie si Kylie at sinabing, “Si Kylie kasi nakikinita ko na simula pa lang, nagkausap-usap kami dahil magkakasama nga kami, siyempre masaya siguro isang oras kuwentuhan lang lahat. Kaya pagsabak namin parang very light lang, walang pressure na for Kylie. Natural siya, magaling eh, at kung ano ang sasabihing scenario sa kanya, kung ano ang dapat niyang arte, hindi mo na kailangang i-correct eh, magaling. Kasi may mata siya, ‘yun ang importante roon, nakukuha ang reaction niya.”

Sobrang na-enjoy din ni Kylie na kasama sina Benjie at Empoy. ”’Yung company nila sobrang na-enjoy ko at saka ito ‘yung unang beses ko na nag-work ako after quarantine. So, excited talaga akong magtrabaho. Tapos noong malaman ko na kasama silang tatlo, sobrang swabe, light lang ang sets, na-enjoy ko talaga ang taping.”

Kasama rin sa Ghost Adventures 2 si Andrew Muhlach. Handog ito ng Viva TV, Cignal TV, at SariSari Network na mapapanood sa TV5 sa October 31, 6:00 p.m..

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …