Saturday , January 11 2025

Cassy Legaspi, nagkukuripot: Hindi ako ma-designer brands

UMAMIN si Cassy Legaspi na tumatak sa kanya ang payo ng mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na mag-ipon.

 

Kuwento ng young Kapuso actress sa interview niya sa GMANetwork.com“Hindi ako ma-splurge o ma-designer brands. I’m a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom. Why would I buy? Mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang.”

 

Para naman kay Mavy, wala siyang nakikitang masama na maglabas ng pera paminsan-minsan at ayon sa kanya ay nakatutulong din ito para lalong ma-motivate sa trabaho.

 

“When I was making money na out of my own work, siyempre save muna. But there are times na talaga you feel na you need to reward yourself kumbaga,” wika niya. 

 

Samantala, lubos naman ang kasiyahan ni Cassy nang mapili siya ng MAC Philippines na ipakilala ang mga produktong ineendoso ng kanyang idolo na si Lisa Manoban ng grupong BLACKPINK dito sa bansa.

 

“Just hearing about this, I cried. I am not even joking. I cried when MAC called and said, ‘hey you want to present a super nice collection that you like?’ They didn’t tell me what it was. I was shookt… who wouldn’t want to have Lisa’s makeup?,” ani Cassy.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *