Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikreto sa pagsusulat ni Ricky Lee, ituturo sa Trip to Quiapo

INTERESTING ang naging talakayan noong Lunes ng gabi sa virtual media conference ng Trip to Quiapo, original docu series, dahil ang award winning writer na si Ricky Lee ang nakasalang kasama sina Enchong Dee at Direk Treb Monteras.

 

Kung nagandahan kayo sa librong Trip to Quiapo, tiyak na matutuwa rin kayong panoorin ang pelikula o kuwentong ito sa iWant TFC na hango sa best-selling scriptwriting manual niya simula ngayong Miyerkoles (October 21) sa iWant TFC app at website. Kasi posibleng matuto ang sinumang manonood nito na gumawa ng sarili nilang pelikula o kuwento.

 

Bale may limang episodes ito na ibabahagi ni Ricky ang kaalaman niya sa pagsusulat ng kuwento at pagbuo ng mga karakter, paano humugot ng inspirasyon, at maging ang mga karanasan at aral niya mula sa buhay at higit sa 40 dekada niya sa industriya.

 

Gagampanan ni Enchong ang papel ni Julio Manunulat, ang representasyon ng mga taong gustong magsulat ngunit nahihirapang buuin ang kanilang mga konsepto.

 

Dumaan sa ganitong sitwasyon si Ricky? Opo nahirapan din siyang magsulat. Pag-amin nga niya, pinagdaanan niya rin ito at hindi rin niya alam kung saan magsisimula noong baguhang writer siya.

 

“Marami akong pinagdaanan at pagkakamali bago ako natuto. At hanggang sa ngayon, natututo pa rin. At ngayon para sa inyong mga gustong matutong magkuwento, susubukin kong ibahagi sa inyo ang mga karanasan at kaalaman ko matapos ang ilang dekadang pagsusulat. Pero ang actual na pagsusulat, baka hindi lahat matutuhan dito dahil buhay ang gagawa niyon,” esplika ni Ricky.

 

Siyempre may mga diskusyon sa docu gayundin ang paglalahad ng kuwento ng buhay ni Ricky, paano niya minahal ang pagsusulat, at kung bakit siya masigasig sa pagtuturo nito.

 

Ang serye ay idinirehe ni Treb na siya ring nagdirehe ng Cinemalaya 2017 Best Film na Respeto.

 

Samantala, natanong si Ricky ukol sa kung may pagkakaiba ang pagsusulat noon at ngayon. Sagot ng dalubhasa sa pagsusulat, “Mayroon at wala. Maraming universal elements that will always be there na hindi magbabago kahit anong panahon ang dumating. On the other hand, ang mga trabaho ngayon may restlessness. Mas may connecting sa many elements, mas maraming characters na ikinokonek. Hindi siya simpleng linya lang ng pagkukuwento. Ang generation ngayon sanay siyang kumonekta, parang computer na naka-connect lahat.

 

“Tanggal na lahat ng barriers. Multi-characters ngayon, maraming kuwento, may multo, may real life, may doppelganger, may time travels, may multiple personalities. Nahati-hati na pero connected siya. Marami pang ibang points sa generation ngayon,” esplika pa ni Ricky.

 

Marami namang mga artista ang nakapag-workshop na rin kay Ricky at naikuwento nitong lahat sila’y natuto ng pagsusulat. “Tulad ni Bella (Padilla), although nagsusulat na siya before she attended my workshop and she continued writing. Si Agot Isidro, I think sa workshop din lang siya nakapagsulat at nakapagbuo at nakatapos ng material niya. Dalawa o tatlong material niya ang tinrabaho niya during the workshop. And she was really good. Generally, lahat ng umatend na actors sa aking workshop did very well kasi kapag artista ka I think mas sakay mo ang character, mas pasok mo siya, mas may perspective ka na bukas, may empathy ka na sa iba-ibang tao. So ang laking puhunan agad iyon for the actors sa workshop.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …