Sunday , January 12 2025

Richard Quan, pinuri ang young stars ng TV series na Bagong Umaga

KABILANG ang premyadong actor na si Richard Quan sa teleseryeng Bagong Umaga na mapapanood tuwing hapon simula Oktubre 26 (Lunes) sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Pangungunahan ito ng mga nakababatang Kapamilya stars na sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores, at Heaven Peralejo. Iikot ang serye sa anim na kabataan na magkakabit ang kuwento dahil sa kani-kanilang nakaraan.

Puring-puri ng award winning actor ang mga a kasama sa seryeng Bagong Umaga.

Aniya, “It’s exciting to work with the cast from veterans to popular actors of this generation, nararamdaman mo yung energy sa set, everybody is doing his best.”

Kanino siya na-impress nang husto sa anim? Sino ang madalas niyang kaeksena?

Saad ni Richard, “Sa ngayon si Tony Labrusca ang madalas ko ka-scene, pero magkakaroon ng twist. Sobrang intense ang mga scene ko with Tony, physical dahil sinasaktan ko siya, mental at emotional…

“Impressive lahat sila, may kanya-kanya silang traits or something to be proud of…

“Si Tony-totoong tao, hindi showbiz at very smart. Si Heaven, very talented, charming at ready na to be a superstar. Barbie, talented at grabe ang mass appeal, one step to superstardom na lang siya and we share the same passion, player and team- NBA- Lakers-Lebron). Si Michelle-ilang beses ko nang naging screen daughter, very talented and versatile. Si Kiko-mayroon pedigree (Estrada kasi)… at ready na to be a superstar, smart at willing, and si Yvez-cool, talented, very smart.

“Lahat ng main cast talented, cooperative, maayos ang attitude, tight-knit yung group from main to supporting casts, Nakatulong siguro yung lock-in.”

Ano ang role rito ni Richard? Tugon ng aktor, “I’ll be playing the father of Tony Labrusca’s character pero mayroong twist. It’s a dark, complex character…”

Kasama rin sa casts sina Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Glydel Mercado, Rio Locsin, Keempee de Leon, Nikki Valdez, Bernadette Alisson, at iba pa, sa pamamahala nina Direk Carlos Artillaga at Direk Paco Sta. Maria.

Huwag palampasin ang pilot week nito na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Available rin ito sa A2Z  channel 11, na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa. Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o  iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang   www.abs-cbn.com/newsroom.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *