Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinapa Dance Challenge ni Ianna dela Torre, patok!

MATAGUMPAY ang Pinapa Dance Challenge ni Ianna dela Torre. Ito ang naisip ng promising singer para makatulong sa panahon ng pandemic.
Sa halip kasing magdaos ng engrandeng selebrasyon sa Shangri La Plaza para sa debut niya noong March, dahil sa Covid 19 ay kinansela ito at naging daan para makapaghatid ng tulong at saya sa mga tao.

Esplika ni Ianna, “Bale ang manager kong si Tito Joel at saka ang family ko, nag-decide na maglaan ng funds para matulungan ang mga kababayan natin ngayong pandemya. Gusto ko lang mag-share ng positivity at love gamit ang kanta ko.”

Ang Pinapa ang carrier single ni Ianna mula sa debut album niya na ini-release ngayong taon. Ang two-time Himig Handog finals placer na si David Dimaguila ang nagsulat ng kanta na tungkol sa millennial love-hate relationship.

Saad pa ni Ianna, “Ang meaning po ng Pinapa sa song ay pinapatawad, pinapakilig, pinapasaya… Ang tumatak po sa akin ‘yung pinapatawad, kasi kahit marami pong nagagawang masama sa atin, magpatawad po tayo at mag-spread ng good vibes.”

Samantala, ang mga nanalo sa #PINAPADanceChallenge ay ang Mastermind-1st place na may 284K YouTube at Facebook views, shares, at comments, sinundan sila ng 2nd placer na Sugar and Space na may 121K YT at FB views, shares, at comments, at 3rd placer ang Kwader Knows na nakakuha ng 89K.

Mayroon ding 10 na nakatanggap ng consolation prizes, habang ang Philxpose naman ang nanalo bilang Most Creative Concept Dance Challenger.

Panoorin ang dance video ng Pinapa at pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …