Saturday , November 16 2024

Curfew hours sa Maynila 4-3 oras na lang (Sa Nobyembre at Disyembre)

PINAIKSI ang pagpapatupad ng curfew hours sa lungsod ng Maynila simula ngayong  araw, 21 Oktubre hanggang sa 30 Oktubre, simula 12:00 am hanggang 4:00  am.

Samantala, mula sa dating 10:00 pm hanggang 5:00 am ay mas magiging maikli ang curfew hours. Simula 1 Disyembre, gagawin itong mula 12:00 am hanggang 3:00 am.

Sa kabila nito, nanatiling mahigpit ang curfew hours para sa mga menor de edad mula 10:00 pm hanggang 4:00 am alinsunod sa Ordinance No. 8547.

Ang pagpapatupad sa bagong alituntunin ng curfew hours ay inianunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos lagdaan ang Ordinance No. 8692 na nagkakaisang ipinasa ng miyembro ng Manila City Council sa ilalim ng pamumuno ni Presiding Officer, Vice Mayor Honey Lacuna at iniakda ni majority floorleader, Atty. Joel Chua.

Ang lahat ng residente at mga dumaraan sa Maynila ay sakop ng bagong curfew hours.

Ang napagkasunduang desisyon ni Moreno at lokal na pamahalaan ay bunga ng naganap na pulong ng metro mayors, MMDA at ng IATF, na nagkasundong iklian ang curfew para sa pagbibigay daan sa pagbubukas ng negosyo at paglikha ng trabaho.

“Mga bata, sokpa muna sa oblo ‘di kayo kasama… sa mga magulang, mananagot po kayo ‘pag nahuli ang mga anak ninyo sa kalsada,” ayon kay Moreno.

Gayonman, sa kabila ng pinaikling curfew hours sa Maynila ay mahigpit pa rin na ipatutupad ang social distancing protocols sa siyudad.

Muling, umapela si Moreno sa Manilenyo na patuloy na obserbahan ang 3Ws (wear your face masks, wash your hands and watch your distance). (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *