Monday , December 23 2024
OFW

4k OFWs stranded sa Metro Manila (Dahil sa P1-B utang ng PhilHealth sa Red Cross)

MAY 4,000 overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi sa bansa ang stranded sa mga hotel sa Metro Manila dahil hindi pa sumasailalim sa CoVid-19 swab test bunsod ng P931-M utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross (PRC).

 

“Well, right now, we are talking of at least 4,000 plus now stranded in Metro Manila,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa Palace virtual press briefing kahapon.

 

Paliwanag niya, mula nang itigil ng PRC ang swabbing test sa OFWs noong 14 Oktubre, may 300 OFWs na lamang ang napapauwi ng DOLE mula sa dating 1,000 – 3,000 kada araw.

 

Kung dati aniya’y nananatili lamang ng tatlo hanggang apat na araw sa hotel ang isang OFW mula pagbalik ng bansa hanggang lumabas ang resulta ng swab test, ngayon ay nagtatagal na ng mahigit isang linggo kaya’t lumaki ang gastos ng DOLE sa kanilang accommodation.

 

“So you can just imagine how many OFWs are now stranded in all the hotels in Metro Manila. Iyon ang problema namin, and they are staying longer. Well, before, they could stay only as long as three to four days. Now they are staying already beyond one week, and that’s our problem, in terms of expenses and in terms of taking care of our OFWs. So, the sooner this issue of payment is resolved, the better for our OFWs and the better for the finances of our government, ang laking problema niyan,” ani Bello.

 

Maghahanap na naman aniya ng mga hotel sa mga karatig probinsiya ang DOLE para magsilbing quarantine hotel ng OFWs.

 

Kaugnay nito, inaasahan ng Malacañang na makapagbabayad sa PRC ng kalahati ng P931-milyong utang ang PhilHealth sa mga susunod na araw.

 

“Well, kagaya ng sinabi ko po kanina, we hope to settle at least 50% of that amount as soon as possible and the rest also within the reasonable time. So, I think ang pakiusap ni Presidente, e tuloy-tuloy muna sana po ang serbisyo ng Philippine Red Cross,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

 

Giit ni Roque, hindi mauubusan ng pondo ang PhilHealth dahil sa ilalim ng Universal Health Care Law, sagot ng pamahalaan ang kakayahang pinansiyal nito.

 

 

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa na magbabayad ang PhilHealth sa PRC at inaayos lamang ang mga dokumento para maisakatuparan ito. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *