Tuesday , December 24 2024

Jodi at Dimples, pinalakas ang Malasakit Para sa Isa’t Isa campaign ng Unilab

TIMELY at relevant ang bagong public service campaign ng Unilab, Inc., ang Malasakit Para Sa Isa’t Isa na ang layunin ay  paigtingin ang nasimulang kampanya ng Department of Health laban sa Corona virus.

 

Bagamat tapos na ang quarantine period, unti-unti ng sumusubok ang mga tao na ipagpatuloy ang buhay sa ilalim ng new normal. Kahit may takot at alinlangan dahil sa Covid-19, sige lang kasi kailangan para sa mga taong umaasa sa atin.

 

Nakalulungkot lang minsan, na habang ingat na ingat ka at sumusunod sa health and safety protocols na inilabas ng DOH, may ilan, o minsan pa nga ay marami, ang hindi pa rin sumusunod o ‘di naman kaya ay nakalilimutang sundin ang mga guideline para makaiwas sa sakit o para hindi makahawa.

 

Kaya mismong sina Jodi Sta. Maria at Dimples Romana, brand ambassadors ng Unilab ay nagpa-alala sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanilang social media account ng public service ad para palaganapin ang mensahe na akmang-akma sa panahon ngayon.

 

Patuloy na umaani ng blessings ang dalawang premyadong aktres sa kabila ng mga nangyayari hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin sa buong mundo.

 

Si Jodi ang kasalukuyang mukha ng Biogesic at Biogesic for Kids nitong huling anim na taon, habang si Dimples naman ay ang isa sa pinakabagong kapamilya ng Unilab na nag-eendoso ng pambatang Solmux kasama ang napakabibong anak na si Alonzo.

 

Malalim ang mensahe ng kampanyang ito ng Unilab dahil hindi lamang ito tungkol sa mga protocol. Tungkol din ito sa pagkakaroon ng malasakit na sabihan ang iba kung sila ay nakalilimot na sumunod. Magalang na pagpapaalala at may ngiti sa labi dahil ginagawa ito ng may tunay na pag-aalala para sa iba.

 

Naiiba itong kampanyang ito dahil hindi ito nakatuon sa pansarili lang. Ipagpalagay mong maingat ka, pero paano naman ang iba na kailangan ng paalala, lalo na ‘yung mga pasaway. At kung sakali na ikaw naman ang makalimot, hindi mo ba  gugustuhin na may magpaalala rin sa ’yo?

 

Maliit na bagay lang ito kung tutuusin pero kung ang lahat ng tao ay mgiging ganito ang pananaw sa health and safety protocol, ang magmalasakit na paalalahanan ang mga nakalilimot, malaki ang magiging impact nito sa patuloy na laban kontra-COVID-19.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *