SOBRANG saya ni Gretchen Ho na kinuha siyang host sa The Search for The Sound of 7K Christmas Songs dahil OPM fan siya.
“I’m so excited kasi OPM fan ako since I was young,” sambit nito sa virtual press conference kamakailan.
Pag-amin ni Gretchen, ipino-post niya sa kanyang social media account kapag may naririnig na bagong tunog o musika mula sa mga Pinoy talent.
“I’m excited to meet and feature in my different shows, natutuwa talaga ako kapag nakakarinig ako ng tunog-Filipino. Kaya it’s an honor to be here (as host) kahit hindi po ako singer ha, haha! I am a big fan and I can assure you na kung anuman ‘yung kanta ng mga paborito ninyong banda ay memorized ko ‘yun, ha, haha!” masayang sambit ng dalaga na bagamat mahilig sa sports (dahil varsity player ng volleyball sa Ateneo), mahal din niya ang musika.
Kuwento ni Gretchen, marunong siyang tumugtog ng gitara pero ang kumanta ay hindi.
Naniniwala si Gretchen na malaki ang nagagawa ng musika sa tao para maging positibo lalo na ngayong may pandemic.
“During the quarantine, one of the ways that we cope talaga is listening to music, eh. And sa tingin ko, as we become more creative with what we do online, dapat talaga mayroong space for Filipino music and I think it’s high time that we dig even deeper. And we know that OPM has been on a resurges for the past years with the so many originals coming up from different artists, talagang malakas ang OPM ngayon,” giit pa ng dalaga.
Hindi lang ang mga taga-Metro Manila ang mabibigyan nng exposure sa proyektong ito at 7K Sounds dahil pati mga taga-probinsiya na may talento sa paglikha ng musika at pagkanta ay mabibigyan ng platform sa online show na ito.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio