Sunday , January 12 2025

Zsa Zsa, pagyayamanin ang organic farming sa Esperanza farm

IF she had her way, ang gusto ng Divine Diva Zsa Zsa Padilla ay magpatuloy na lang sa bagong buhay na ini-enjoy niya bilang ordinaryong tao sa kanyang PROBINZSA!

 

Na madalas sila ng partner na si Conrad (Onglao) sa itinaguyod nilang Esperanza Farms, kay raming bagay na nagawa at na-appreciate si Zsa Zsa.

 

Mula sa mga alaga nilang aso, hanggang sa pagiging plantita at ang pamamasyal sa mga karatig na lugar na para siyang isang diwata na nakikipag-commune with nature. Sa tubig. Sa bundok. Sa lupa!

 

Marami ngang nabuksan sa kanyang isipan nang mangyari ang pandemya.

 

“Natuto akong pag-aralan ang mga gamit ng technological devices that I have. Kasi, noong nagpatuloy ang shows, in ‘ASAP,’ inire-record ko ang live sessions namin. I have to record my own voice, tapos gagawin ko naman sa app in my computer. Kailangan matutuhan ko lahat ‘yun.”

 

Unti-unti namang nagiging madali na sa kanya ang mag-adjust sa “new normal.”

 

“May mga kailangan na i-sacrifice. Protocols had to be followed. Especially noong mag-taping uli kami for ‘Love Thy Woman.’

 

Nakababawi na nga lang siya ng paghinga kapag nasa farm na siya.

 

“Ang dami ko natutuhan all those months. Kasi ngkaroon ng maraming time to do things. Nasa bahay ka lang. So, pinag-aralan ko what Organic Farming was about. Nakita ko ‘yun sa farmers na talagang nagdadala ng pagkain to our tables. 

 

“Dapat sa mismong Costales Farms ako mag-i-immerse to see and learn how they do it. Bawal pa that time na mag-stay overnight. Kaya I took my lessons through a Webinar. From Sir Red Costales. Dalawang araw na tig-8 hours. Ang sakit sa brain! But if you are interested to learn as to the hows and whys, open lang your ears, listen intently, ask questions. Kaya ang kasama ko sa Esperanza Farm, nakinig din. If you are passionate about something, mai-inspire ka. And now, proud ako sa mga nangyayari at nagagawa namin with our Esperanza Farm.”

 

Dito niya na-practice sa kanyang farm sa Lucban, Quezon ang mga natutuhan niya.

 

Abenturera ng talaga si Zsa Zsa. Kaya sa mga ibinabahagi niya sa kanyang YouTube vlogs at posts sa Instagram ay ang mga nararanasan niya sa paglusong sa ilog o pag-akyat sa kay tataas na mga bundok. Paggalugad sa lupa.

 

“Minsan 5:00 a.m. gising na kami. Si Conrad magpi-prepare ng breakfast. Then head on sa Caliraya. Camping trip. Tayo ng tents sa tuktok ng bundok. Minsan umuulan. Putik! Dyan mate-test ang survival cooking mo. Banca ride sa palibot ng lake.”

 

Kapag pinanood mo nga ang natutuhan ng pagba-vlog ni Zsa Zsa sa kanyang #BuhayProbinZSA, nanaisin mo na ngang gumaya sa kanya.

 

Ang Linggo mo naman ang magpapaalala sa ‘yo na pagkatapos ng pakikipagkantahan niya sa mga cicada sa bukid man o sa lawa, pagninilay-nilay sa ilalim ng sikat ng buwan hatid pa rin ng magandang tinig niya ang inaabang-abangan ng kanyang mga tagahanga sa paghahatid niya at ng mga kasama ng saya sa programa.

 

Kaya, nananatili siyang maganda. Sa panlabas. At kalooban!

 

Divine Diva nga!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *