SA MALAKAS na ulan, ang itim na buhangin mula sa karagatan ang tumakip sa mga ‘pekeng’ buhangin (dolomites) sa pinagandang Manila ‘front beach’ na proyekto ng DENR.
Paano kaya kung may bagyong malakas ang hangin, malamang ang mga dinurog na dolomites ay dalhin sa kalsada ng Roxas Blvd.
Sabi ng Japan experts, maling-mali ang proyektong ito ng DENR, sayang ang pondong ginamit dito na panahon pa naman ng Pandemic.
Dapat kasi may kaalaman sa environments ang namumuno sa ganitong proyekto hindi ‘yung kung saan-saan lang dinampot na puro peke ang dokumento sa educational attainment.
Kapag ganitong klase ang hahawak ng ganitong proyekto, pera-pera lang ang interes kahit palpak naman!”
Kung sabagay sa administrasyong Duterte maraming palpak na nanungkulan sa gobyerno, gaya nitong may pakana sa Manila Bay. Pagkatapos ng Boracay, gustong ‘ala-Boracay din ang Manila Bay.
Dapat ang administrasyong Duterte ay busisiin muna kung ano talaga ang inabot na edukasyon at naging karanasan ng mga gusto niyang ilagay sa puwesto!
Ang nakatatawa, ngisi-ngisi lang si DENR Secretary Frack Cimatu! Ano kaya ang reaksiyon ni Manila City Mayor Isko Moreno?
Magugunitang noong panahon ni dating Mayor Lito Atienza, mga inuman ang inilagay sa baywalk, noong binagyo na-wash-out ang stalls… gaano kaya katotoo na hindi mawa-wash out ang mga dinurog na dolomites at hindi ito matatambak sa Roxas boulevard?
Abangan natin sa panahon na bagyo na mas malakas na hangin at humahampas ang alon sa pag-wash-in ng mga itim na buhangin!
Aabangan ko ‘yan!
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata