Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ianna sa tagumpay ng Pinapa– Sobrang saya ko kasi na-appreciate nila

NAPAKALAKING tagumpay ng Pinapa Dance Challenge ni Ianna dela Torre at aminado ang magaling na singer na hindi niya ine-expect ito.

Sa virtual presscon ng kanyang Pinapa Dance Challenge, inamin ng magaling na singer na, “Hindi ko ine-expect na may mga sasali, na napakarami talaga, kasi pandemic, baka busy sila. Kaya sobrang saya ko kasi na-appreciate nila lahat ng mga sumali.

Nasa 30 groups ang sumali sa Pinapa Dance Challenge at medyo nahirapan silang pumili ng mga winner. “Lahat po kasi sila magagaling sumayaw at ang naging criteria namin eh sa voting,like, share and sa most creative. Rito namin tiningnan kung sino ang pinaka-creative pagdating sa paggawa ng sayaw sa Pinapa Dance Challenge.

Successful din ang dance preview ng Pinapa ni Ianna sa Youtube kasama niya si Ken San Jose. Kaya naman next year, isang music video ang planong gawin ng manager niyang si Joel Mendoza para kay Ianna.

“For next year, igagawa rin namin ng isang music video, parang isang international remix na talagang ipakikita namin ang medyo pagka-adult ni Ianna na hindi na pa-cute sa sayaw niya. Napakaganda kasi ng ginawang version ni Brian Kua. At napagkasunduan namin with Star Music na ‘yung mga nanalo rito sa Pinapa Dance contest ang kasama rito sa gagawin naming project next year.

“Ilalabas din namin ang ikatlong single ni Ianna na ‘Kahit Isang Panaginip Lang.’

Nilinaw pa ni Mendoza na hindi naman ganoon ka-sexy ang next project ni Ianna dahil hindi papayagan for sure ang singer ng kanyang doktorang ina.

“Ngayon pinaghahandaan namin iyon ni Tito Joel, nagpapapayat po ako lalo and para healthy na rin po,” sambit naman ni Ianna ukol sa next project niya.

Idinagdag pa ni Ianna na na-enjoy niya talaga ang Pinapa. “Matagal na akong kumakanta at puro ballad kaya noong ibinigay nila sa akin ‘yung Pinapa na-enjoy ko kasi first time kong nagkaroon ng danceable music. Tapos nagkaroon pa ng challenge kaya masaya ako.”

Si DJ Loonyo kasama ang Rockwell pala ang original na nag-choreograph ng Pinapa ni Ianna at ang video ay idinirehe rin ng isa sa grupo ng Rockwell.

Sa kabilang banda, aminado noon pa man si Ianna na idol niya si Sarah Geronimo at ito ang gusto niyang sundan ng yapak. Masuwerte si Ianna na wala namng namba-bash sa kanya ukol sa pag-amin niyang ito. Sakali man, gagalingan na lamang niya para matupad ang mga pangarap niya.

Samantala, nakahanap ng paraan si Ianna para mai-share ang blessings niya sa kanyang followers sa pamamagitan nga ng isang dance challenge para sa kanta niyang Pinapa.

Imbes na magdaos ng enggrandeng selebrasyon para sa debut niya sana noong March kung kailan unang ipinatupad ang lockdown dahil sa Covid-19, ginawa na lang niya itong paraan para makapaghatid ng tulong at saya sa mga tao.

“’Yung manager ko na si Tito Joel at saka ‘yung family ko, nag-decide na maglaan ng funds para matulungan ‘yung mga kababayan natin ngayong pandemya. Gusto ko lang mag-share ng positivity at love gamit ‘yung kanta,”ani Ianna.

Ang Pinapa ang carrier single ni Ianna mula sa debut album niya na ini-release ngayong taon. Ang two-time Himig Handog finals placer na si David Dimaguila ang nagsulat ng kanta na tungkol sa millennial love-hate relationship.

“’Yung meaning po ng ‘Pinapa’ sa song ay ‘pinapatawad,’ ‘pinapakilig,’ ‘pinapasaya.’ Ang tumatak po sa akin ‘yung ‘pinapatawad,’ kasi kahit marami pong nagagawang masama sa atin, magpatawad po tayo at mag-spread ng good vibes,” paliwanag ni Ianna.

Nasungkit ng Mastermind ang 1st place sa #PINAPADanceChallenge  na may 284K YouTube at Facebook views, shares, at comments, na sinundan ng Sugar and Space na may 121K YT at FB views, shares, at comments, at ang 3rd placer naman ay ang Kwader Knows na nakakuha ng 89K YT at FB views, shares, at comments. May 10 sumali rin ang nakatanggap ng consolation prizes, habang ang PHILXPOSE  ang nanalo bilang Most Creative Concept Dance Challenger.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …