Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joel Cruz, nagtatayo ng negosyo para makatulong

SA darating na Linggo, Oktubre 18, 2020, siguradong dudumugin ang paanyaya ng Lord of Scents na si Joel Cruz sa bago na namang negosyong kanyang ihahatid sa balana.

 

Kampante man na masasabi sa kinalalagyan na ng kanyang Aficionado Perfumes sa merkado, na sinundan ng Achara ng kanyang Mommy Milagros kasabay ang mga alcohol at sanitizer sa ilalim ng label ng Aficionado, heto at mayroon naman siyang Takoyatea.

 

Ito ay matatagpuan sa kanto ng Retiro at Sisa streets sa Barangay 492, sa Sampaloc, Maynila na kapitbahay lang ng opisina ng kanyang Aficionado at Chateau de Milagros.

 

At dahil kakailanganing sumunod sa protocols, at hindi naman mapagkakasya sa bubuksang puwesto ang mga taong nais din naman niyang makita at makapiling matapos ang mahaba-habang panahon ng lockdown, hati-hati ang oras ng pagtungo sa pasinaya.

 

“Naisip ko na kasi na talagang noong simulan pa lang namin ito, sa online orders, marami na ang excited din na makita na mayroong physical store ang TAKOYATEA.

 

“Due to pandemic, we can only accommodate 10 guests per hour (10-11am; 11-12noon; 12-1pm; 1-2pm; 2-3pm; 3-4pm; 4-5pm; 5-6pm; 6-7pm; 7-8pm). 

 

“Kaya we requested din na mag-coordinate ang mga pupunta sa staff ko. Kindly coordinate with the ff if you can attend. Advise your time slot & witness the grand opening!!!

 

“UST elementary; USTHS; UST Psychology; UST gays; friends=Mafeh (0998) 848-4684.  CACI employees=Sol (0949) 992-9684. Aficionado retailers/dealers=Neil (0949) 889-0577. Press/media/society=Roy (0998) 846-9352; (0920) 279-6463. Over all in-charge of all guests =Lambert (0920) 978-0462; (0906) 405-8734. 

“Thank you  & hope to see you & taste the different flavors of Takoyaki, milk tea, gyoza & okonomiyaki. Arigato Gozaimasta!!! Joel Cruz ️,” saad ng kanyang personal na paanyaya.

 

Malalaman natin sa Linggo kung ano ang ikinaiba ng kanyang bagong negosyo sa mga nauna na niyang nakilala at nalasahan.

 

Maraming flavor ang offer nila kaya go na kayo sa kanyang store. From milktea to takoyaki. To order text Avic at 9498813895 or pm at TakoyaTea Facebook account

 

Kompleto, ha! Negosyante talaga!

 

Patuloy lang naman kasi si Joel sa kanyang adbokasiya ng pagtulong.

 

“Classmate (kay Bro. Jun Banaag at kapwa Tomasino), sa nararanasan natin ngayon, mas lalo pang dumami ang nangailangan ng trabaho. Marami na kahit mayroon na, nawalan pa dahil marami rin ang nagsara. Kaya gusto ko pa rin na magpatuloy lang na marami pa rin ang matulungan. In whatever way. 

 

“It’s my passion and somehow hobby. As an entrepreneur, I always think of so many business opportunities that’s why I am one of the mentors of ‘Go Negosyo’ to inspire new players in the business. Giving them tips, precautions, warnings, do’s & don’t’s, suggestions, comments, recommendations & some business ethics. I love doing this & if you love what you do, you do not get tired. And I love to inspire other people especially those who are also passionate into business!”

 

Kaya, hindi mawawala ang isang Joel sa mundo ng negosyo. At sa kabila nito, nagagampanan pa rin ang pagiging parent sa kanyang mga anak at anak sa kanyang dakilang ina.

 

Kaya, iba-iba ang location kapag kausap ko siya. Nagba-badminton sa Tagaytay with his kids o kaya naman eh, nagdiriwang ng kaarawan ng anak sa Baguio.

 

Wearing different hats but at the end of the day, still an “aficionado”  (a person who is very knowledgeable and enthusiastic about an activity, subject, or pastime) in all aspects.

 

Tara na Marsee, TAKOYATEA na tayo!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …