Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez, kapwa bida sa ECQ Diary (Bawal Lumabas)

HINDI makapaniwala ang veteran actress na si Daria Ramirez na sa kanilang reunion movie ni Elizabeth Oropesa, siya ay nabigyan ng lead role. Bida kasi rito sina Oropesa at Ramirez, at equal billing pa.

Ito ay para sa pelikulang ECQ Diary na mula sa panulat at direksiyon ng journalist at filmmaker na si Arlyn Dela Cruz-Bernal.

Ito ang kauna-unahang nakatrabaho ni Daria ang direktor habang si La Oro naman ay kasama ni Direk Arlyn sa kanyang unang pelikula at sa mga sumunod pa.

Sabi ni Daria, “Hindi ko inaakala na mag-lead role ako kasama si Oro sa edad kong ito, sa edad naming ito. Natutuwa ako na may nagtitiwala sa kakayanan ko.”

Ang desisyon na kunin si Daria para sa role ni Amalia ay kapwa kina Direk Arlyn at La Oro. Si Oropesa kasi ang Executive Producer ng naturang pelikula. Dati nang film producer ang premyadong aktres noong dekada sitenta.

“Wala kaming ibang ikinonsidera sa role ni Amalia maliban kay Dang (Daria). Buo ang tiwala namin sa kanya at higit sa lahat, kaibigan ko siya. Gusto ko siyang makasama sa proyektong ito,” paliwanag ni Oro na Susan ang pangalan ng karakter sa nasabing pelikula.

Unang namalas ang galing ng dalawa sa pag-arte sa classic na Nunal sa Tubig noong early 1970s.

Ayon naman kay Direk Arlyn, dream come true ang reunion ng dalawa na, “Napakagaling sa kanya-kanyang eksena at sa mga tagpong sila ay magkasama.”

Ang pelikula ay tungkol sa pandemya at natapos sa panahon ng pandemya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …