Marami ang nag-react sa sinabi ni Arnold Clavio na bumabaha raw ngayon sa Batasang Pambansa ang mga balimbing.
Marahil ang tinutukoy ni Arnold ay mga mambabatas na sumusuporta kay Cayetano na bumaliktad at sumusuporta naman ngayon kay Velasco.
Nang magkomento ang isang kaibigan ni Arnold sa kanyang post: “Dinaig pa ang teleserye sa kadramahan, Igan. Sayang ang buwis.”
His straightforward answer: “Pera lang ang katapat.”
Ang salitang ‘nadenggoy’ o ‘naloko’ ay binitawan supposedly ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meeting nila ni Congressman Velasco sa Malacañang noong Biyernes, October 9.
Kitang-kita raw ni Velasco, sa isang panayam ng media, ‘yung galit ng Pangulo.
Sabi raw ng presidente, “Lord, hindi lang ikaw ang napahiya rito, tayong dalawa.”
President Duterte must have been referring to the “gentlemen’s agreement” that he brokered between Velasco and Cayetano in the year 2019.
Sa nasabing term-sharing deal, magiging House Speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan at si Velasco naman ay hahalili pagdating ng October 2020. Tatayo siyang Speaker sa loob ng 21 na buwan.
But at the rate things are going, ayaw na raw itong i-honor ni Cayetano.
Ang fear ng Pangulo ay magiging hostage ang budget ng gobyerno for the year 2021 because of the disagreement of the two congressmen.
Malaking bahagi pa naman daw ng budget ang nakalaan para sa CoVid-19 rehabilitation ng gobyerno.
Dahil sa disagreement ng dalawang kampo, nagkaroon ng coup ang mga mambabatas at iniluklok sa isang impormal na pagtitipon si Velasco yesterday.
Naging official ang pagiging House Speaker ni Velasco nang magdaos sila ng session at the plenary of the Congress today, Tuesday, October 13.
Anyway, ang latest, nagkaayos na raw sina Cayetano at Velasco sa isang meeting na ginanap sa Malacañang na pinamunuan ni Pangulong Duterte ngayong hapon.
Kasama rin sa meeting sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senator Bong Go.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.