Monday , December 23 2024

Pondo ng DND suportado ni Go  

KINATIGAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang proposed budget ng Department of National Defense  (DND) at attached agencies nito na kinabibilangan ng Armed  Forces of the Philippines (AFP), Government Arsenal, Philippine Veterans Affairs Office, National Defense College of the Philippines, at ang Office of the Civil Defense.

 

Sinabi ni Go, personal siyang dumalo sa pagdinig para ipakita ang kanyang suporta sa DND at AFP para sa kanilang pondo sa susunod na taon.

 

Ipinaliwanag ni Go na dahil sa vital role ng military at uniformed personnel sa pagtitiyak ng kapayapaan at seguridad ng bansa.

 

Inihayag din ni Go na kamakailan lang ay naaresto ng Joint Task Force Sulu ng Philippine Army ng Western Mindanao Command ang tatlong pinaniniwalaang suicide bombers sa Barangay San Raymundo sa Jolo.

 

Katuwang ang PNP Criminal Detection, na-recover din ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang improvised explosive device na mayroong pipe bombs at iba pang  sangkap.

 

Ayon kay Go, isa lamang ito sa sakripisyo ng military personnel ng bansa dahil tinitiyak nila na ligtas ang buhay ng mga mamamayan at mga ari-arian sa bansa.

 

Dagdag ni Go, kasama niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa full support sa military at uniformed personnel na kamakailan ay kabilang sa mga inuna ng pangulo ang pagdoble sa suweldo ng mga nagsasakripisyong  sundalo upang maprotektahan ang bansa. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *