Sunday , January 12 2025

FDCP, itatampok ang 145 na pelikula sa PPP 4 mula Oct. 31 to Nov. 15

AARANGKADA na ang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP 4) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa bagong FDCP Online Channel.

‘Sama all’ ang bagong tag-line nito at hindi bababa sa 145 na pelikula-67 full-length films at 78 na short films ang ipalalabas dito na magkakaroon ng kauna-unahang online edisyon ngayong taon

Ang PPP4 ay isang omnibus project na pinangungunahan ng FDCP. Tampok dito ang mga pelikula mula sa mga lokal na film festival tulad ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, at Metro Manila Film Festival pati na rin mula sa iba’t ibang producer at regional film festival, ang PPP Retrospective, ang Lab portion ng Sine Kabataan Short Film Competition, at ang CineMarya Women’s Film Festival.
Pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “This year’s PPP is a solidarity event that aims to encourage support for Philippine Cinema in light of the devastating effects of the Covid19 pandemic. It aims to propagate the love for Filipino films among audiences and help sustain the country’s film industry that is gravely affected by the Covid19 crisis. The FDCP is glad to announce that all proceeds will be given to producers involved in the festival through revenue sharing.”
Ang mga section ng PPP4 ay ang Premium, Classics, PH Oscars Entries, Tributes, Romance, Youth and Family, Genre, Bahaghari, PPP Retro, Documentary, at From the Regions, kasama ang Sine Kabataan at CineMarya.
Ang mga pelikula sa Premium section ay mayroon lamang limited release o hindi pa naipalalabas sa Filipinas.

Tampok dito ang Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag ni National Artist for Film Kidlat Tahimik. Kasama rin ang dalawang classic ‘80s films: Batch ‘81 ni Mike de Leon, na executive producer ang yumaong si Marichu Vera-Perez Maceda at bidang aktor naman ang namayapang si Mark Gil, at ang restored version ng Brutal ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya mula sa Philippine Film Archive ng FDCP. Sina Amy Austria, Charo Santos-Concio, at Gina Alajar ang mga artista sa Brutal kasama ang mga namayapang sina Johnny Delgado at Jay Ilagan.

Ang The Helper ni Joanna Bowers ay documentary tungkol sa Filipino at Indonesian domestic workers sa Hong Kong habang ang Itoshi No Irene (Come On, Irene) ni Keisuke Yoshida ay live action manga series adaptation na pinagbidahan nina Ken Yasuda at Nats Sitoy. Nagkaroon ito ng international premiere sa 2018 Busan International Film Festival.

Kasama rin ang Cleaners ni Glenn Barit na Best Film sa Asian New Wave Competition ng 2019 QCinema International Film Festival at ang Blood Hunters: Rise of the Hybrids ni Vincent Soberano. Ang Best Action Film at Best Martial Arts Film sa 2019 Urban Action Showcase International Action Film Festival ay pinagbidahan nina Soberano, Sarah Chang, Roxanne Barcelo, at Monsour del Rosario.

Tatlong entries sa 2020 Sinag Maynila Film Festival ang kasama sa Premium Selection: He Who Is Without Sin ni Direk Jason Paul Laxamana na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Enzo Pineda, Kintsugi ni Direk Lawrence Fajardo na pinagbidahan nina JC Santos at Hiro Nishiuchi, at The Highest Peak ni Direk Arbi Barbarona na pinagbidahan nina Dax Alejandro at Mara Lopez.

Ang isa pang espesyal na PPP4 section ay magsisilbing premiere ng final 12 short films ng CineMarya Women’s Film Festival.

Sa PPP Short Films mapapanood ang 66 na libreng pelikula mula sa Sine Kabataan Short Film Competition ng FDCP at 21 na regional film festivals.

May festival subscription options ang PPP4 gaya ng Full Run Pass (PHP 599) na magbibigay ng 16-day access sa Premium Selection films at events, free content, free panel sessions/workshops, calendar, at trailers. Ang Half Run Pass (PHP 299) ay magbibigay ng access sa short films library at full-length scheduled screenings para sa walong magkakasunod na araw habang ang Day Pass (PHP 99) ay magbibigay ng access sa short films library at full-length scheduled screenings para sa isang araw.
Ang Early Bird Rate para sa Full Run Pass, na may halagang PHP 450, ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Mayroon ding Free Pass na nagbibigay ng access sa calendar at free content. Simula Oktubre 16, magkakaroon ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ng 20% discount habang ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng 30% discount.

Ang proceeds mula sa sales ng PPP Festival Passes ay mapupunta sa lahat ng producer na kasama sa PPP 4.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *