Monday , December 23 2024
LUMAHOK ang 200 miyembro ng transport advocacy group Transport Watch, kasama ang Riders of the Philippines, Motorcycle Rights Organization, at Arangkada Riders Alliance sa "Unity Ride" mula UP Diliman patungo sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon, upang ipanawagan na payagan silang magserbisyo sa kanilang mga kliyente at aprobahan ng kinauukulang ahensiya ang isinusulong nilang ‘motorcycle taxi’ regulation.’ (ALEX MENDOZA)

Motorcycle drivers hiniling makabiyahe (Para sa ekonomiya)

HINILING ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na payagan na muling makabiyahe ang motorcycle taxis para magkaroon muli ng ikabubuhay ang libo-libong riders.

 

Ayon kay Recto, kapag ginawa ito ng gobyerno walang gagastusin kahit na isang sentimo ngunit marami ang muling magkakatrabaho.

 

Maaari rin maalis ang mga motorcycle taxi rider sa mga listahan ng bininibigyan ng ayuda dahil makababalik na sila sa trabaho.

 

Ngunit diin ni Recto papayagan lang dapat makabiyahe muli ang motorcycle taxis kung makasusunod sila sa ipinatutupad na health and safety standards at aniya kung kakailanganin dapat ay gawin mandatory ang barrier, mask, at face shields gayondin ang disinfected safety helmets.

 

Kailangan lang aniyang ianunsiyo ng health experts na magiging ligtas ang rider at pasahero kung may barrier sa kanilang pagitan o sapat na ang mask, shield at helmet.

 

Naniniwala ang senador na kapag balik-operasyon na ang motorcycle taxis may dagdag na pagpipilian ng pampublikong transportasyon ang mga nakabalik na sa kanilang trabaho. (CYNTHIA MARTIN)

 

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *