Saturday , November 16 2024

Duterte, ‘inutil’ sa kaso ni Baby River

INAMIN ng Palasyo na walang magagawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa apela ng isang nanay na political detainee para makapiling sa huling pagkakataon ang tatlong-buwang sanggol na namatay nang pagbawalan ng hukuman na makasama ang anak na maysakit.

 

“Talagang nakalulungkot po iyang insidenteng iyan, pero wala pong magagawa ang Presidente,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa virtual press briefing.

 

Si Reina Mae Nasino ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives, at ipinanganak noong 1 Hulyo si Baby River, walong buwan matapos siyang madakip.

 

Namatay ang sanggol sa bacterial infection noong Biyernes, ilang oras matapos ibasura ng Manila Regional Trial Court ang urgent motion  na makasama ni Nasino si River.

 

“Iyan po ay nasa huridiksyon ng ating hukuman. The decision lies wholly with the Regional Trial Court, and the Regional Trial Court has ruled. We respect that decision, and the Executive will implement that decision,” dagdag ni Roque.

 

Nauna rito, nagsumikap ang National Union of People’s Lawyers na mapagsama ang mag-ina ngunit mas pinakinggan ni Manila RTC Judge Marivic Balisi-Umali ang posisyon ng jail authorities na limitado ang kanilang kakayahan na magbantay sa hospital.

 

Ito’y kahit kailangan mapasuso ng kanyang ina si River kada dalawang oras ayon sa doktor.

 

Umapela si Kabataan partylist Rep. Sarah Elago sa hukuman na makabisita sa burol ng kanyang anak si Nasino. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *