WALANG makapipigil sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa hanggang hindi inaamyendahan ang batas na nagtatakda ng naturang benepisyo.
Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon kasunod ng pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinag-aaralan ang posibilidad na pahintulutan ang mga negosyong matinding naapektohan ng CoVid-19 na ipagpaliban ang pagkakaloob ng 13th-month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Roque, mandatory ang pagbibigay ng 13th month pay na nakasaad sa batas.
Batay sa Labor Code, lahat ng employers ay required na bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th-month pay kahit ano pa ang kanilang posisyon, designation, o employment status basta’t nakapagtrabaho na ng isang buwan sa isang taon. (ROSE NOVENARIO)