Saturday , November 16 2024

Proteksiyon sa babaeng preso muling isinulong ni De Lima

MULING isinulong ni Senator Leila de Lima ang panukala niyang magbibigay protek­siyon sa mga babae sa mga kulungan.

Ayon kay De Lima, 2017 nang una niyang inihain ang Women in State Custody Act at muli niya itong isinampa ngayon 18th Congress bilang Senate Bill No. 378.

Paliwanag ng senadora, layon ng kanyang panukala na protektahan ang mga babaeng preso o detenido laban sa lahat ng uri ng pang-aabusong seksuwal.

Kaya’t panawagan niya sa mga kapwa senador, suportahan ang kanyang panukala para maimbestigahan na rin ang mga nangyayaring violence against women (VAW) sa mga kulungan.

“Walang ibang matakbuhan ang mga kababaihang detainess kaya nananahimik na lang ang marami sa kanila. Kaya’t tuloy, tuloy ang pang-aabuso hanggang nagiging bahagi na ito ng kul­tura sa mga kulungan sa ating bansa,” sabi ng senadora.

Mahigit tatlong taon nakakulong sa PNP Custodial Center ang senadora.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *