Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, bida na sa isang international movie

SOBRA ang saya ng award-winning indie actor na si Tonz Are dahil kahit na may pandemic pa rin ay sunod-sunod na naman ang dumating na projects sa kanya.

Una na rito ang masasabing biggest break niya so far, dahil bida si Tonz sa isang international movie.

Esplika ni Tonz, “Ang title po nito ay Diego Visayas, isang American movie na gagawin sa Philippines. I play the role of Diego Visayas, ang start ng shooting namin po ay by November or December po.

“Ito ay sa direksiyon ni Ren Wilson, a Filipino filmmaker. Ang producer namin is American, si sir Noe Rodriguez-na naka-base sa America. Ang istorya nito is about kay Diego Visayas, pero ‘di ko pa nakita iyong buong script.”

Pahabol pa niya, “Isa pa sa dahilan kaya ako masaya, kasama po kasi sa American movie na ito ang bunso kong kapatid na si Celso Are and iyong ibang mga alaga ko po sa workshop na Daydreamer babies.”

Kabilang din sa bagong pelikulang pagbibidahan niya ay ang Balud. Bale, parang prequel ito ng Rendezvous na tinampukan din ni Tonz.

“Sobrang happy ko po sa pagdating ng maraming projects. Kaya todo work-out ako ngayon para kapag nag-shoot na ay fit na ang body ko,” saad ni Tonz.

Aniya pa, “Iyong Balud, lead ako rito, mag-start na kami this October po, ilalaban po siya for film festival, sa direksyon pa rin po ni direk Marvin Gabas.

“Konektado rin po siya sa movie ko na Rendezvous, ipapakita kasi kung saan nagmula si Balud at muling umahon…

“Sa Rendezvous po ako nanalo ng mga award, I won four awards po rito. Best actor sa 1st Gawad Amerasia International in Hollywood, USA, Best Actor sa 1st SouthEast Asian International Achievement awards, Best Actor sa Star Buzz awards, at Best Supporting Actor sa Fifth Singkwento International Film Festival.”

Ang iba pang projects na aabangan kay Tonz ay ang online series na Plandemic, under Daydreamer Production and SIBIKATUWAAN under PMPPT Production ni Ms. Ayen Infante, sa direksiyon ni Marvin Gabas. Plus, ang Rom-Com na Quarantitas, sa pamamahala ni direk Madel Pacleb.

Excited din siya sa Film City Apps na ang launching ay ngayong October, dahil lahat ng pelikula ni Tonz ay mapapanood dito.

Hirit na pahabol pa ni Tonz, “I’m so blessed kasi ang dami kong endorsements. Nais ko pong pasalamatan si doc Abraham Culbengan ng A Beautiful Expression, Kishaki Essential, si sir Rheyniel Flores na founder/CEO ng Kishaki Essentials, VG’s Cebu lechon-kay mam Michelle Sanchez, Jades Shawarma, Princess de Pedro Milktea, Doc Elloraine de Pedro Abao, Minette’s Pharmacy, Five Beauty salon and spa, Street Clothing Company, Daydreamer Production, Takoyaki Sandkyodai, at Doc Vincent Lao.

“Don’t forget din po ang business kong Balud Milktea, Tonz Tapsilogan, and Artizent Perfumes,” nakangiting saad pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …