KASABAY ng pagbubukas ng klase, ibinabahagi ng A2Z Channel 11 katulong ang Knowledge Channel, ang dalawang oras na solid educational programming na school at home sa free-to-air television simula ngayong Lunes, October 12, 2020.
Ang curriculum-based video lessons ay eere ng Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 a.m. na ang mga subject ay para Grades 1-6 at ito ay ang Math, Science, Filipino, English, Araling Panlipunan, Values, Arts, at Physical Education. Ang mga video lesson ay mula sa Most Essential Learning Competencies o MELCs na binuo ng Department of Education. Iniakma ang mga aralin sa self-learning modules at doon sa pagsasa-ere sa DepEd TV.
Dahil sa A2Z School at Home at Knowledge Channel, ang mga estudyante, magulang, at mga guro ay may option na sa distance learning. Ang A2Z Channel 11, o Zoe Channel 11, ay mapapanood sa analog broadcast sa Metro Manila at kalapit probinsiya. Available rin ito sa cable at satellite TV services.
Mapapanood din ang Knowledge Channel sa SKYcable, PCTA partner cable operators, at sa GSAT. Ang video lessons ay available rin online via knowledgechannel.org.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio