Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar, wish gawan ng kanta si Sarah Geronimo

KAKAIBA talaga ang passion sa musika ng talented na recording artist/composer na si Gari Escobar. Marami na siyang nagawang kanta, na karamihan ay base mismo sa kanyang mga personal na karanasan sa buhay.

Ipinahayag ni Gari kung gaano kahalaga sa buhay niya ang musika.

Wika niya, “Paggising ko po, after kong mag-pray, music agad, para po siyang eyeglasses ng isang malabo ang mga mata. Very important po sa akin ang music. Dahil para itong kaibigan na laging nandiyan, na ano man ang nararanasan mo ay hindi ka huhusgahan, pareho kayo ng nararamdaman.”

Kuwento pa niya sa amin, “Ang song ko po pala na Dito sa Piling Ko composed by kuya Vehnee Saturno is now being played in Energy FM nationwide. Yung four songs ko naman po: Baguio, Tama na, Masisisi Mo Ba at Ayoko Na Sayo ay tinutugtog sa 102.7 Star FM.”

Inusisa rin namin siya kung sino namang singer ang gusto niyang gawan ng kanta?

Tugon ni Gari, “Mayroon po ako, na gusto ko maging duet namin ni ate Guy, mayroon din ako na gusto kong ipakanta kay Sarah Geronimo.

“Gusto ko si Sarah, kasi ay very good role model siya sa lahat.”

Ano sa palagay niya ang bagay na kanta kay Sarah? “Love song po, pop,” pakli pa ni Gari.

Naikuwento rin ni Gari ang gagawing online concert ngayong October.

Saad niya, “Sa October 18 @4PM po ay gaganapin ang aking first digital concert sa VSMTC ni sir Vehnee Saturno, iLive stream po ito sa aking Gari Escobar FB Page at sa VSMTC FB Page. Isa po ito sa pinaghahandaan ko ngayon dahil may gagawin po akong kakaiba for the sake of art and entertainment at sa ikasasaya po ng aking mga kaibigan at supporters.

“Katatapos ko lang din po ng dalawang online acting workshops, yung kay Ms. Cherie Gil at yung under kay Direk Jo Macasa ng GMA-7.”

Dagdag pa ni Gari, “Sobrang busy po ako ngayon, ang lakas po ng online business ko, lalo pang lumakas nang dumating ang Collagen product. Kasi nakakabata po talaga, nakakaputi pa at nakakatibay ng immune system. Parang three birds in one shot.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …