Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FYE, Game KNB, at MYX PH ng abs-cbn, nasa Kumu na

PINALALAKAS pa ng ABS-CBN ang livestream entertainment offerings nito sa paglulunsad ng tatlong digital channels tulad ng For Your Entertainment (FYE), Game KNB, at MYX PH, tampok ang all-original content na mapapanood ng mga Filipino nasaan man silang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng community platform na Kumu.

Kasama sa bonggang proyektong ito ng Kapamilya sina Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Ces Drilon, at Robi Domingo sa iba’t ibang kuwelang programa sa Kumu.

Handa na ang Game KNB? (@gknb) na maghatid ng makabagong game show experience sa mga manonood sa pag-arangkada nito sa Kumu Lunes hanggang Biyernes, 12nn simula ngayong Lunes, Oktubre 12.

Madali lang sumali sa palaro at manalo ng hanggang P10K araw-araw sa unang season. Mapapanood din ang pagbabalik ng pambansang game show sa Jeepney TV, kasama ang bagong host nitong si Robi.

Samantala, nagsimula lamang noong Hulyo ang FYE (@fyechannel) pero mayroon na itong 120K followers na inaabangan ang celebrity streamers sa paghahatid nila ng good vibes, mga palaro, at performances.

Puno ng katatawanan ang mga programang Awaaards Night,  Kwentong MacoyPop-Up Comedy Bar, at Lakas Tawa. Tampok naman ang mga artista na ka-interact ang kanilang fans sa AmbagetsRISE Here, Right Now and ”We RISE Together. Masasayang kuwentuhan ang hatid ng  Bawal Ma-Stress Drilon, Hey HersheyKumustahan with Fr. Tito CaluagMetro ChatsMetro K-Drama ClubMYXclusivePop CinemaSecret Ladies ClubTalak ni Mameh Grace and The Best Talk. May dala namang beauty at fashion tips ang Beauty and the BeshManhacks, at Style Me Now, at positive vibes ang Chink Positive at ang  Hanz Swerte! Hanz Saya!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …