Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrew di susuko sa pandemic, tutok sa Releaf Massage and Nail Spa at Kusina Express business

BUKOD sa kanyang showbiz career, nakatutok ang Kapuso actor na si Andrew Gan sa kanyang business. Aminado siyang naapektuhan nang husto ng pandemic.

Si Andrew ang isa sa actor/businessman na nasagasaan nang husto ng pandemic. Ang spa business niya ay kabubukas pa lang halos nang magkaroon ng Covid19.

Lahad ni Andrew, “Medyo hindi maganda ‘yung epekto, siyempre na-depress ako and patay din ang negosyo. Kaya gumagawa ako ng ibang way-bilang culinary graduate ako, ginagamit ko siya ngayon sa food business para may extra-income. Kasi continuous pa rin ang rental fee sa kakapundar lang na spa business, eh. Masakit na sa bulsa, hehehe.”

Ngayon ay muli niyang binuksan ang kanyang Releaf Massage and Nail Spa. At dahil isa siyang culinary graduate, nagbukas din si Andrew ng Kusina Express by Drew. Sa mga gustong mag-order, icheck lang ang kanyang FB page.

“Mag-one week pa lang po open yung spa. Pero matumal pa ang client dahil sa pandemic. Kaya sana matapos na ito, ang hirap po ng buhay,” saad niya.

Wika pa ni Andrew, “Then, yung Kusina Express by Drew, mag-one month pa lang po… for delivery lang po, sa online lang po ang orders.”

Ano ang specialty nito? “Iyong Cremoso Beef Kaldereta tito at mayroon ding iba pa like sinigang. Ang kaibahan po nito? May twist. Hehehe!”

May time ba na parang gusto na niyang mag-give up sa nangyayari ngayon?

Sagot ni Andrew, “Wala akong karapatan mag-give up tito, dahil marami riyan mas mahirap ang pinagdadaanan. Pero still, patuloy pa rin sila… at the end of the day, blessed pa rin tayo dahil may natutuluyan at may nakakain pa rin tayo.”

Anyway, si Andrew ay bahagi ng forthcoming movie na Crazy In Love With You, starring Claire Ruiz, Miko Raval, Mike Lloren, Ariella Arida, Tanya Gomez, Coleen Perez, John Arcenas, at iba pa.

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Edward James (EJ) Salcedo, line producer dito si Mike Lloren, at isinulat mismo ng executive producer nitong si Ms. Romina Wilcox.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …