Saturday , November 16 2024
jeepney

Traditional jeepneys hayaang bumiyahe

DAPAT ipahinto ng Department of Transportation (DOTr) ang public utility vehicle (PUVs) modernization program sa panahon ng matinding epekto ng pandemyang CoVid-19 sa mga driver at kanilang mga pamilya.

Sa unang pagkakataon, nagsama ang mga lider ng anim na transport groups mula nang mag-lockdown, at isinumbong nila kay Senator Imee Marcos ang mga hinaing ng jeepney drivers sa isang meet-and-greet via Zoom.

Sinabi ni Marcos, malaking dagok sa mahihirap na driver ng traditional jeepneys ang halos pitong-buwang community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate committee on economic affairs, namamalimos na ang mga driver dahil gutom na ang kanilang mga pamilya kasabay ng mga bayarin sa renta ng bahay, ilaw, tubig at pagkain sa araw-araw.

Aniya, etsapuwera na ang tradisyonal na jeeps dahil mas pinaboran ng DOTr at LTFRB ang mga operator ng bus at modernized jeeps na pinabiyahe sa mga ruta na malakas ang kita.

“Bakit imbes tulungan ang jeepney drivers sa panahon ng pandemya, sinamantala pa ng LTFRB at DOTr ang mga lockdown upang ipilit ang PUV modernization program na bago pa ang CoVid, ‘di na kayang bilhin ng mga pobreng driver?” galit na pahayag ni Marcos.

“Lehitimo at talagang mabigat na problema ito ng drivers at operators – ang mataas na presyo ng mga bagong units at kulang na kulang sila ng kakayahang pinansiyal upang makabili ng mga bagong unit.

Ipinaglalaban nila ang kanilang kabuhayan at bitbit din nila ang obligasyon na tulungan ang commuters na magkaroon ng ligtas at komportableng masasakyan,” dagdag ni Marcos.

Tinukoy ni Marcos, kahit P80,000 ang grant at P5,000 ang gas subsidy ng DOTr, hindi pa rin ito sapat para makabili ng isang yunit ng modernized jeep.

“The 80-thousand grant plus five-thousand gas subsidy and fixed salary for drivers are not enough to help them pay for a P1.4 to P2.2 million brand new jeepney with Euro-4 capability. The government must lighten the burden of the high cost of new units because failure to do so would mean loss of public transport for most Filipinos and loss of jobs for our drivers,” paliwanag ni Marcos.

Bukod dito, binigyang-diin ni Marcos na napakatagal na rin at hindi matapos-tapos ang rerouting plans ng LTFRB.

Giit ng senadora, wala rin natanggap mula sa Social Amelioration Program (SAP) ang mga driver dahil inuna ng DSWD ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ani Marcos, “ayon nga sa mga doctor, mas ligtas pang bumiyahe ang lumang jeepneys dahil hindi aircon at hindi nakukulob o nagtatagal ang virus sa loob kaya mas mahirap maimpeksiyon o mahawa ang mga pasahero.”

Bilang agarang ayuda sa mga namamalimos na tsuper, namigay si Marcos ng sako-sakong bigas sa UP Campus, Quezon City, at sa Dapitan Drivers and Operators of Jeepney Association (DADOJA) sa Maynila.

Nabiyayaan din ng sako-sakong bigas ang anim pang transport groups na kinabibilangan ng PASANG MASDA ni Obet Martin,  LTOP ni Lando Marquez,  STOP & GO Transport Coalition ni Jun Magno,  ACTO ni Efren de Luna,  FEJODAP ni Ricardo Rebano, at ALTODAP ni Boy Vargas.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ang transport leaders sa inisyatiba ni Marcos at sa tulong ni Manila barangay chairman Leninsky Bacud at Atty. Ariel Inton.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *