Wednesday , December 25 2024

Daniel Padilla, tiniyak: Handa na si Kathryn na maging asawa ko

ISANG beach wedding ang gusto ni Daniel Padilla para sa kanila ni Kathryn Bernardo. At gusto niya itong mangyari pag-edad niya ng 30.

Ito ang naibahagi ni Daniel sa katatapos na virtual presscon, Martes ng gabi para sa kanyang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience na magaganap sa Linggo.

Ani Daniel, gusto niyang pakasalan si Kathryn at bumuo ng sariling pamilya pagsapit niya ng 30. At katulad ni Kathryn, beach wedding din ang gusto niya na dadaluhan ng kani-kanilang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga taong naging bahagi ng kanilang buhay.

“Beach wedding ang gusto ko and sana before 30 (years old), eh mangyari na po ‘yun. Bago ako mag-30 sana maikasal na rin ako. Ayoko na rin ng masyadong matagal,” aniya.

Katwiran ni Daniel kung bakit 30 ang gusto niyang edad ng pag-aasawa, ”mas okay kapag naging tatay na ng 30 para mas ma-enjoy ko pa ng bonggang-bongga ang mga magiging anak namin.”

Sa kabilang banda, aminado si Daniel na ibang-iba ang magaganap na digital concert niya sa Linggo, (Oct. 11). ”It’s very different kasi wala ‘yung mga fan natin na talagang tumatangkilik tuwing may concert tayo. Pero gusto pa rin nating ibigay ang feeling na ‘yon virtually or spiritually sa mga supporter natin. Siyempre sanay ako, although hindi naman talaga ako singer, kumukuha ako ng energy sa tuwing may concert ako sa mga nanonood sa akin.”

Makakasama ni Daniel sa kanyang digital concert ang kapatid na si JC at ang banda nitong Jose Carlito band. “Siya lang ang makakasama ko at banda niya dahil nahihiya rin akong mang-imbita ng tao dahil may pandemic at ayoko na rin silang ma-stress o ma-hassle pa.”

Idinagdag pa ni Daniel na, ”Hindi ko na kaya ang presence ng ibang magagaling na singer, parang nai-startstruck ako, ayokong magkamali. Kaya nahihiya rin akong mag-imbita ng mga tao. Pero sa mga past concerts ko, nag-guest na sa akin sina Arnel Pineda, Rico Blanco na talagang hindi tumigil sa pagpapawis ang kamay ko (sa kaba), ‘yung mga ganoong moment. Hindi ko makakalimutan’yun na nagkaroon ako ng pagkakataong makasama sila sa entablado.

“Pero ngayon hiya na ako, ayoko nang idamay sila sa hassle ko.”

Matagal nang kumakanta-kanta si Daniel at successful lahat ng concerts niya pero dinadaga talaga siya kapag may mga kasamang totoong singer, ‘ika nga niya. ”Hindi ako nagiging komportable pagdating sa ganito eh, kasi alam ko namang… kaya ko pero hindi ko naman talaga forte (pagkanta), so ayoko na lang mang-hassle ng mga tao.”

Ididirehe ang Apollo ni Peewee Azarcon, handog ng Star Events ng ABS-CBN at ng production house ni Daniel na Johnny Moonlight. Eksklusibo itong mapapanood sa KTX.ph sa Okt. 11 (Linggo).

Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang singer at performer sa Apollo sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang Daniel: Live! concert noong 2013 hanggang sa matagumpay na D4” concert na ginanap noong 2018.

Ang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience ay bahagi pa rin ng bagong digital offerings ng ABS-CBN para sa mga Kapamilyang hinahanap-hanap ang libangan na hatid ng network. Ito ay kasunod ng successful launch ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook para maabot ang mas maraming Filipino.

Ilan naman sa mga naging matagumpay na KTX digital events ang  Hello Stranger: Finale FanconNew Normal ni Jed MadelaTayo Hanggang Dulo ng JaMill, at K 20k20 ni K Brosas. Bisitahin ang ktx.ph para sa tickets as inaabangang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience. Sa halagang P499, maaari nang mapanood ng mga Kapamilya ang maagang Pamaskong handog ng aktor.

Samantala, pansin naman ni Daniel na nasa adulting stage na sila ni Kathry.

Katwiran niya, ”Kasi ‘yung sa financial aspect, dati sina Ermat (Karla Estrada), at mama ni Kath (Min Bernardo) ang nag-aasikaso ng lahat ng mga babayaran, ngayon sa amin na rin pinaaasikaso.

“So, roon ko nakikita kay Kathryn na handa na siya, handa na siyang maging asawa ko, ha ha ha,” biro ng binata.

Live namang manonood si Kathryn kay Daniel dahil katwiran ng binata, kailangan niya ng live ang presence ng GF.

“Narito siya para manood sa akin ng live. Exemption siya dahil kailangan kong narito siya dahil ako ay ninenerbiyos. Kapag andito po kasi siya at sumusuporta, komportable at feeling ko kayang-kaya ko,” sambit ni DJ.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *