Monday , May 12 2025

2021 budget ng PSC aprub sa Senate Committee

APROBADO sa committee level ng Senate ang ‘proposed budget’ ng Philippine Sports Commission (PSC) sa naging virtual hearing nitng isang araw na pinangunahan ng Chairperson ng Committee on Sports, Senator Christopher “Bong” Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.

Sa opening statement ni Go, pinuri niya ang PSC sa pagiging overall champion ng Team Philippines sa katatapos na 39th Southeast Asian Games. “We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” pahayag ng  Senador.

Sina  Chairman Butch Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez  ang kumatawan sa PSC, kasama si Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy para ipresenta ang ‘breakdown’ ng proposal na may total na P207 milyon na dumaan sa pag-aaral at aprubado  ng Department of Budget Management.

Ang magiging gastos sa preparasyon at partisipasyon para sa 2021 Tokyo Olympics at 31st SEA Games sa Vietnam na nagkakahalaga ng P250 milyon, kasama ang budgets para sa Paralympics, Asian Indoor at Martial Arts Games, Asian Youth Games at Asian Beach Games ay  hinahanapan ng hiwalay na proposal.

Nakatuon si Go kung paano makakahanap ng paraan para tulungan ang ahensiya sa ginagampanan nitong trabaho para sa national team.   Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan sa nangyayaring kaganapan na may kaugnayan sa preparasyon para sa National Academy of Sports.

Kahanay din na lumahok sa virtual hearing si Games and Amusement Board Chairman Baham Mitra na naroon  para ipresenta ang kanilang proposed budget.

Ang Plenary deliberations ay isusunod agad sa itatakdang iskedyul na iaanunsiyo.

(Public Communications Office)

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *