Saturday , November 16 2024

Duterte ‘kangaroo court’ ni Duque

MISTULANG nagsilbi si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘kangaroo court’ na nag-absuwelto kay Health Secretary Francisco Duque III mula sa lahat ng anomalyang naganap sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sinabi ng Pangulo, sa isinagawang imbestigasyon sa PhilHealth scandal, walang natuklasang sapat na ebidensiya upang iugnay si Duque sa katiwalian, gaya ng pagbili ng overpriced computers.

“I have read the findings. For the life of me, I can’t really find a good reason to prosecute an innocent man,” anang Pangulo sa public briefing kagabi.

Batay sa rekomendasyong binuo ni Duterte na inter-agency task force na nagsiyasat sa anomalya sa PhilHealth, hindi kasama si Duque sa sinampahan ng kaso bagkus ay sina dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales at iba pang opisyal ang inasunto sa Ombudsman at aprobado ito ng Pangulo.

“Ako’y abogado and I know what is probable cause and prima facie. These are two phrases that are important before you can file a case in court. Problem is, I have reviewed — hindi naman ‘yung — a cursory reading really — and I have yet to find ‘yung sabi nila na idedemanda si Duque dahil may kasalanan,” aniya.

“I have read the findings and for the life of me I cannot really find a good reason to prosecute an innocent man. Mine is to not really prosecute just for the sake of being somebody being prosecuted. My job is to see to it that the rule of law — the rules for or against a person — are followed,” dagdag niya.

Matatandaan, ang  Senate Committee of the Whole ay inirekomendang sampahan ng mga kaso si Duque, na tinaguriang ‘godfather’ ng umano’y mafia sa PhilHealth. (ROSE NOVENARIO)

P2.2-B EXPIRED,
OVERSTOCKED NA GAMOT,
IPAMUDMOD — PALASYO

 IPAMAHAGI ang mahigit P2 bilyong halaga ng gamot na malapit nang mag-expire at nakatambak lamang, gayondin ang medical, at dental supplies.

Direktiba ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) kasunod ng lumabas na Commission on Audit (COA) 2019 annual audit report na nagtatago ang DOH ng mahigit P2 bilyong halaga ng  “expired, overstocked or nearly expired medicines as well as medical and dental supplies.”

“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalo iyong mag-i-expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” sabi ni Roque sa virtual press briefing sa Malacañang.

Sinabi ng COA na ito’y bunga ng labis na paggasta ng DOH sa mga bagay na hindi ganoon karami ang pangangailangan.

Inirekomenda ng COA sa DOH na repasohin ang mga kontrata, lalo sa suppliers at maging maingat sa paggasta ng pera ng bayan, magpatupad ng estriktong timeline sa distribution/transfer ng inventories, at madaliin ang pamamahagi ng mga malapit nang mag-expire na mga gamot.

Walang binanggit si Roque kung dapat magsagawa ng imbestigasyon ang DOH sa isyu upang matukoy ang dapat managot. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *