Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chikahan with Kikay Mikay, napapanood na sa Beam TV

MASAYA ang talented na bagets na sina Kikay Mikay dahil may dalawa silang bagong TV shows.

Ngayon ay abala sina Kikay Mikay sa sarili nilang TV show na Chikahan with Kikay Mikay na napapanood tuwing Wednesday, 5 to 6pm sa channel 31 online, Beam TV. Tuwing Friday naman ay napapanood ang dalawa sa Ningas Pinas, 12 to 1:00 pm.

Ipinahayag ng dalawa ang kagalakan sa bagong show nila at sa pagpasok sa Top 3 ng Most Engaging Post views sa Channel 31.

“Happy po kami, kasi po kahit pandemic po ay hindi namin akalain na magiging busy po kami. Kaya pasalamat po kami sa mga past videos po namin sa Facebook, dahil po sa mga nag-share at nag-post po ng aming mga video, doon po kami nakilala,” saad ni Mikay.

 

Dagdag niya, “Isa pa po sa nakapagpapa-busy sa amin noong nag-announce po na Top 3 po kami sa Most Engaging Post views, dahil po rito ay kailangan namin pag-aralan kung ano po ang mas igaganda pa ng show namin at kung ano ang mga style na gagawin po namin para maging happy po ang aming mga viewer.”

 

Saad ni Kikay, “We are so happy dahil kahit bago pa lang po kami ay dama namin ang support ng aming mahal na viewers, kaya we would like to invite you all to watch Chikahan with Kikay Mikay every Wednesday po ito, 5 to 6 pm. Ang main host po namin sa Ningas Pinas ay si Andrew Schimmer at ang kasama po namin sa Friday group ay sina Kennet Dy Sawyer, Kevin Dy Sawyer, Erica Mae Panganiban, at Jan Gil.”

 

“Iniimbitahan po namin kayong manood sa next Wednesday, October 7 episode dahil ang aming special guest ay si Jana Taladro at ang group na Lockdown. Ito po’y with special participation sa opening number ni Andrei Parker na finalist ng The Voice Teens, Team Sarah,” wika ulit ni Mikay.

 

Ipinahayag ng dalawa na may hatid silang dagdag-saya sa viewers dahil sa last segment ng Chikahan with Kikay Mikay ay may games and prizes.

 

“Very thankful po kami sa tiwala po sa amin ng CEO Reynaldo Sanchez, Sir Nel Talavera, Direk Oilicec, at sir Michael Villanueva-Marketing Development… sa lahat po ng bumubuo ng Chikahan with Kikay Mikay at buong staff, maraming salamat po.

 

“Thank You so much din po sa aming mga product endorsement like CN Halimuyak Pilipinas, Pulchritude Magazine, Total Tank, Famous Belgian Waffles, Skin Light Soap, H&H Make Over Salon, Erase Product, 27 Annapolis Condominium. Salamat po sa Channel 31 Beam online TV at sa lahat po ng bumubuo ng Chikahan with Kikay Mikay,” saad ni Kikay.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …