Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ZOE TV, tatawagin nang A2Z

SIMULA ngayong Oktubre, tatawagin nang A2Z Channel ang kilalang Zoe Channel 11 TV, ito’y dahil sa pagsasanib-puwersa nila ng ABS-CBN.

 

Ayon nga sa Kapamilya Network, simula Oktubre 10, mapapanood ang mga programa nila at pelikula ng ABS-CBN sa A2Z channel bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc..

 

Kaya naman ngayong Oktubre, ang A2Z na ang bagong TV network ng mga Pinoy na handang magbigay ng relevant, informative, at entertaining content na mga palabas.

Layunin ng pagre-rebrand ng VHF channel na maitaas at makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng mga show ukol sa love at hope, educational program, local at foreign movies, at iba pang mga programa ng Kapamilya Network na tinutukan at minahal ng mga manonood. Ito’y sa pamamagitn ng blocktime arrangement, ang mga programa mula sa licensors, ang Christian Broadcasting Network (CBN Asia), Knowledge Channel at iba pa. Mapapanood din ang mga programa sa Zoe’s Light TV33 sa A2Z.

 

Ani Sherwin N. Tugna, chairman at Presidente ng Zoe  Broadcasting Network, Inc., ang mga programang nakalinya sa A2Z ay binuo para mapunan ang spiritual information, at kailangang entertainment ng mga Pinoy ngayong pandemic.

 

“Zoe Channel 11 TV gets a new name, a new look, and a new journey serving God and the Filipino people.  We strive to provide Filipinos with the best type of programming and bring glory to the Lord above,” giit ni Tugna.

 

Mapapanood ang A2Z programs sa Channel 11 sa free TV via analog broadcast sa Metro Manila at kalapit-probinsya. Available rin ito sa ibang cable at satellite TV tulad ng Sky Cable (channel 11) at iba pa.

 

Ang Zoe Broadcasting Network, Inc. ay itinayo ni Bro. Eddie Villanueva.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …