NAKIPAGSAPALARAN sa digital world si Jace Roque dahil na rin sa krisis na dulot ng Covid-19. Maraming celebrities na tulad niya ang napilitang maghanap ng alternatibong paraan ng paghahanapbuhay dahil bawal pa rin ang mga concert at iba pang live events na bread and butter ng mga musikerong tulad niya.
Ipinasok siya ng isang kaibigan sa Yellow Ribbon Agency para maging live streamer sa Bigo Live Philippines. Naisip noon ni Jace na isa itong golden opportunity, pero binigo lamang siya ng live streaming platform, at maging ng mga nakatrabaho niya roon.
“On August 9, I became an official host of ‘Bigo Live Philippines’ through one of its agencies, Yellow Ribbon Agency. First week palang it felt off-putting na. After I completed my required hours and days, I came to the conclusion that live streaming in general isn’t the right platform for me,” ani Jace.
Noong August 30, kinausap ni Jace sina Nhoemie Sebastian, secretary ng Yellow Ribbon Agency, Arcii Sebastian Sy, host agency manager para sabihin ang planong pag-alis. Pinakiusapan lamang siya ni Arcii na ‘wag munang ituloy ang pag-alis.
“I gave the app another chance, but I still felt the same way about live streaming. So on September 18, I contacted Arcii again and asked that my hosting agreement be terminated. On September 25, I was removed from Yellow Ribbon Agency’s group chat with no prior notice. Nagulat ako kasi kahit ayoko na maging official host ng ‘Bigo Live Philippines,’ gusto ko sana na maging maayos ‘yung pag-alis ko. Wala akong masamang tinapay sa kahit sino sa former agency ko.
“Proper notice lang sana ang gusto ko. Kasi bigla na lang nila akong inalis sa group chat, tapos hindi na nila ako binalikan tungkol sa termination request ko. Which is disappointing, kasi when I started with them, maayos ‘yung usapan namin. Kaya gusto ko sana ganoon din ‘yung pag-alis ko. In any setting, corporate or showbiz, talagang may notice upon termination.
“In our current situation wherein artists are looking for opportunities to earn, we must continue to fight for what we deserve. Some are willing to endure anything, but I’m not like that. Unprofessionalism is something I will never stand for,” dagdag pa ni Jace.
Ngayong wala na siya sa Yellow Ribbon Agency, naghahanda si Jace sa pag-shoot ng official music video ng Forever. Ito ang pinakabagong single niya na humakot ng 600,000 views sa Facebook at mapakikinggan sa lahat ng digital music platforms.
May niluluto rin siyang mga espesyal na sorpresa para sa supporters niya.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo