Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suweldo ni Cong. Alfred, ipinambili ng mga tablet para sa mga estudyante  

SIMULA na ng klase sa buong Kapuluan. Sa “new normal”. Sa Blended Learning.

 

Kung noon, nagkukumahog na pumila na sa bookstore ang mga magulang para bilhin na ang mga kagamitang kakailanganin ng mga anak na nag-aaral at maya’t mayang sinisipat ang listahan ng bawat gamit na bibilhin, sa panahon ngayon ng pandemya, isa ang napakahalagang kailangan magkaroon ang isang estudyante ay ang computer! Desktop. Laptop. Ito ang pinag-iipunang gadget ngayon.

 

Kaya naman, ang butihing Congressman ng ikalimang distrito ng Quezon City na si Alfred Vargas, katuwang ang kanyang kapatid na si Konsehal PM Vargas ay patuloy na namamahagi ng digital tablets sa mga estudyante sa Novaliches.

 

Ayon sa kanyang kapatid na si Konsehal PM, “Matatamis na ngiti ang sumalubong sa atin nang sorpresa nating ihatid ang libreng digital tablets sa mga magulang at estudyante bago magpasukan. Sila po ang mga sumulat at nag-PM sa ating Facebook page bago pa tayo magkaroon ng District Giveaway raffle.” 

 

Ayon naman kay Alfred, “Galing sa buong buwan nating suweldo sa Kongreso ang mga tablet na ito na sana makatulong sa pag-aaral ng mga talagang kapos ngayong pandemic. Sa mga susunod na araw, gagawa pa po tayo ng paraan upang mabigyan din ang ibang mga nangangailangan ng gadget. God bless po sa inyo.

 

“Matagal na namin itong pinaghandaan. Inunti-unti. Kaya, batch by batch siya. At kung sino ang unang nagpahayag ng pangangailangan eh, siya naming ginawang priority. Nagpapa-raffle rin kami every week. Para lang lahat ay makatanggap. Wala namang hindi kayang solusyonan kung sama-sama nating aaksiyonan. Kaya, Mayo pa lang inunti-unti ko na ang paglalaan para sa magagamit ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase.”

 

Isa lang ito sa proyektong tinututukan ni Cong. Alfred at Konsehal PM. At hindi naman sila tumitigil sa pag-ayuda sa pangunahing mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

 

Dagdag pa ni Cong. Alfred, magtutuloy-tuloy ang pamimigay nila ng naturang digital tablets para walang maiwanang mag-aaral, maski pa magulang.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …