Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edu, isang sundalo sana kung hindi nag-artista

NASA plano naman pala ng aktor na si Edu Manzano na maging isang sundalo noong kabataan niya.

 

“If I had my way baka nanatili na ako sa military service then, because I have served in the United States Air Force. Pero I had to finish my studies. And here I am now.”

 

At sa muling pagsalang ni Edu sa pelikula, isang heneral ang kanyang gagampanan sa proyektong Mamasapano.

 

“I will portray the character of General Benjamin Magalong. Yes, in the past, nakilala ko naman na siya and with the extensive research that the writer has done sa gagampanan ko and the scope that we need to do sa pelikula, I am sure maaayos ko namang maitatawid ang kanyang pagkatao sa isang pangyayaring nasaksihan natin sa panahong ito.”

 

Naninibago si Edu sa “new normal”. Lalo na sa health standards na kailangan nilang sumailalim sa swab testing bago pa man simulan ang proyekto.

 

“We just have to follow the protocols. Swab testing. Lock-in sa location. And ‘am sure, bago pa man kami mag-shoot, plantsado na lahat ng kakailanganin ng lahat sa set.”

 

Bago magsimula sa shoot nila sa Pampanga si Edu, naging abala naman ito sa pagkuha ng prangkisa ng JT’s Manukan ni Joel Torre (sa Kalayaan Avenue sa Quezon City) na kasosyo niya ang miyembro ng grupong Ben and Ben.

 

“When it comes to business, kilala mo naman ako Larpi, risk-taker. This time, pagkain. Kailangan. Kasama ang mga kaibigan. ‘Yan yata ang namana ni Luis sa akin. Para rin maraming mga tao ang matulungan. So far, it’s doing good.”

 

Nagsimula na sana siya sa kanyang show sa Metro Channel with his  Good Vibes with Edu pero dahil sa mga kaganapan sa Kapamilya, hindi pa ito nagtutuloy-tuloy.

 

Ang pahinga ni Edu, yaman at nasa iba’t ibang panig ng mundo ang mga anak na sina Enzo at Addie, at si Luis ay may sarili ring buhay, sa Batangas madalas maglagi ang aktor. At ang mga alaga niyang aso ang kapiling niya.

 

Ang mga anak ko, may kanya-kanya ng mga buhay. May mga sariling desisyon na. But they make it a point to stay with me kapag nandito sila. Then, magigising na lang ako na lalabas na sila ng pinto, magpapaalam bitbit ang mga gamit nila for another adventure wherever. And as their Dad, ‘am happy kung saan sila masaya.”

 

Sa pagdating ng pandemya sa mundo at sa buhay ng bawat isa, ang napagtanto at natutuhan ni Edu ay, “That life is short. At manatili ang humility sa bawat isa sa atin. Kindness.”

 

At may malaking bahagi sa puso ni Edu ang gagampanan niyang papel sa Mamasapano dahil hindi lang isa kundi 44 na buhay ng mga sundalo ang nabura sa kanila.

 

At alam niya ang isinasakripisyo ng isang sundalo, hindi lang para sa pamilya kundi para sa bayan!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …