Wednesday , December 25 2024

Aga Muhlach, balik-TV5

“I’M happy to be here again (TV5),” ito ang nasabi ni Aga Muhlach sa digital media conference na ginanap kahapon para sa Masked Singer Pilipinas na ang host ay si Billy Crawford at mapapanood na simula Oktubre 24, 7:00 p.m. sa TV5 Primetime block handog ng Viva Entertainment.

 

“Sabi ko nga rito rin pala kami magkikita-kita lahat, ha ha ha. Biro lang. I’m happy to be hear again,” sabi ni Aga. “I’m happy to work with Billy, Matteo (Guidicelli), Cristine (Reyes) and Kim (Molina) mga kapwa that’s it we just have want to have fun, and magpapasaya sa lahat ng mga manonood. Para maiba naman para masaya ang lahat,” sambit pa ni Aga na siyang nakapaag-push kay Vincent del Rosario ng Viva para ituloy ang project na ito na hango sa South Korean show na King of Mask Singer na ginawa rin ng America bilang The Masked Singer.

 

Sinabi pa ng actor na hindi ito ang tamang panahon para intindihin pa ang network war o paglalaban-laban ng mga artista. “Ito ‘yung noon ko pa sinasabi, dapat hindi divided ang mga artista, sama-sama lang lahat. Dapat always welcome ang lahat.

 

“And ang sa akin sa lahat ng mga taga-ABS-CBN, galing din ako riyan, nagpunta rin ako ng TV5, sa mga nangyayari sa ABS-CBN, ‘wag ninyong maramdaman na iba kayo rito, dapat pare-pareho tayo. Magkakasama tayo sa industriyang ito. Iisa ang ginagalawan natin.

 

“Tigilan na natin ‘yang dibisyon ng mga artista.  Kung sama-sama tayong nagtatrabaho, mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkakahiwalay.”

 

Iginiit pa ng actor na, “Tayong nasa entertainment industry, may kapuso, may kapamilya, may kapatid, it’s about time na tigilan na ‘yan. Kaya maiisip mo,  kung minsan salamat din sa Covid sa nangyayaring ito eh. Kasi ngayon magkakasama tayo, Nasa TV 5 tayo kasi ito ‘yung show. Kapag nagkaroon din ang GMA ng show, magkakasama rin tayo, bakit hindi? Sama sama lang, sana ganoon.”

 

Hindi na bago ang maging hurado sa kantahan ni Aga pero napaka-humble nitong sinabi na, “wala naman akong kayang ipagmamalaki rito kundi mag-enjoy din lang. I’m excited to work with Billy again and with Matteo and Kim na first time to work with and with Cristine na gagawa uli kami ng movie. It’s a friendly environment lang, feel naming mag-eenjoy ang mga teleiviewer dito, magugustuhan nila ito.”

 

Sinabi naman ni Vincent na excited silang ibahagi ang initial offerings nila na isa sa biggest global hits in terms of reality programs at dalawa sa tatlong original productions na ibabahagi nila sa publiko.

 

“This is only the initial offering from Sari-Sari and Viva. Starting next year we will be adding more programming hours to the line up both in terms of original shows and international formats. Together with this is the is promise of Viva to also make available in these programs some of the biggest artists we have. Hope you enjoy and have fun,” sambit ni Vincent.

 

Idinagdag naman ni Robert Galang ng TV5 na, “Cignal and Viva will be providing entertainment content to TV5. ‘Yun ang exciting part doon. We will be launching quite a number of new shows this quarter. By 2021 mas marami pa kaming naka-line-up na shows, game shows, reality shows, singing competitions, sitcom, fantasy marami pang iba pati K drama na we make. Itong mga show na ito will be broadcasted on various platforms like TV5, Cignal TV and sa iba pa.

 

“Sabi nga ni Vincent, ‘pag walang kuwento, walang kuwenta. We know pagdating sa star power, nangunguna ang Viva and we also believe that our continuing partnership with them will not just have a brightest star but will also have the best content, the best stories, shows that will inspires, enriched, empowered and celebrate the life of every Filipinos.”

 

Bukod sa Masked Singer Pilipinas, ang iba pang handog na programa ng Viva ay ang comedy-horror series na Ghost Adventures na mapapanood sa Oktubre 31, at pagbibidahan nina Benjie ParasEmpoy Marquez, at Kylie Verzosa; Bella Bandida ni Ryza Cenon na magsisimula sa Nobyembre 23; Kagat ng Dilim ni Erik Matti na bubuhayin ng mga critically acclaimed directors na sina Richard Somes, Lawrence Fajardo, Paul Basinillo, at Rae Red ang pagbibigay ng mga nakahihindik na kuwento; at ang Onstage na matutunghayan ang mga pinakamahuhusay at ‘di malilimutang konsiyerto ng mga paboritong mang-aawit.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *