Monday , December 23 2024
Risa Hontiveros

Senadora nagpugay sa titsers

SA UNANG araw ng klase, nais ni Senadora Risa Hontiveros na magpugay sa ating mga guro sa patuloy nilang pagpapanday sa kinabukasan ng ating bansa sa gitna ng matinding pagsubok at pagbabago bunsod ng epekto ng CoVid-19.

Kasabay ng pahayag ng Senadora ang pagkilala sa ating teachers ang masigasig na panawagang bigyan sila ng sapat na suporta para maisagawa nang matagumpay ang ‘blended learning.’

“Una, dapat siguraduhing may nakalaang pondo para sa medical benefits sakaling magkasakit ang mga guro.

Pangalawa, maglaan ng dagdag na allowance sa internet connectivity at printing ng education materials. At huli, imbes pautang, bigyan sila ng sariling computer na gagamitin sa distance education,” saad sa kalatas ng senadora.

Aniya, dapat gobyerno ang gumastos nito dahil bahagi ito ng kanilang opisyal na obligasyon.

“Bago pa man mag­bukas ang klase, kahanga-hanga na ang ipinakita nilang pagsi­sikap at pagsasa­kripisyo upang matugunan ang ‘new modes of learning.’ That is why we must ensure that our teachers are protected so that learning continues smoothly and no student is left behind.

“A brighter future awaits when we put our teachers’ welfare first. Kasabay ng selebrasyon ng World Teachers Day, ipakita natin sa ating mga guro na hindi lamang ito isang pagkakataon upang alalahanin ang kanilang mga nagawa sa propesyon. Bagkus, ito ay magsilbing hamon upang makamit ng ating mga guro ang karapat-dapat na pag-aalaga, proteksiyon at suporta,” diin ng babaeng senadora

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *