TIWALA ang Palasyo sa kakayahan ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayon at tiniyak sa mga magulang at mga estudyante na nakahanda ang kagawaran na gampanan ang kanilang obligasyon sa panahon ng pandemya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring hindi perpekto ang sistema at may mga isyung lulutang sa paglipat sa flexible learning, gaya ng modular learning na may kasamang broadcast at online classes pero kompiyansa ang Palasyo na matutugunan ng DepEd ang mga hamon.
“The system may not be perfect and there may be issues as we shift to flexible learning, which includes modular learning and supplemented by broadcast and online classes; but we are confident that DepEd would address these challenges,” ani Roque sa kalatas.
Dahil dito, hiniling ng Malacañang sa Kongreso na madaliin ang pagpasa sa budget ng DepEd na kasama ang suporta sa mga bagong paraan ng pagtuturo.
“In this connection, we ask Congress to expedite the passing of DepEd’s budget, which includes support to these new learning approaches,” dagdag ni Roque.
(ROSE NOVENARIO)