NAKINIG ako sa tsikahan ng hosts na sina Jessy Daing at JCas Jesse sa Acoustic King na si Paolo Santos sa kanilang podcast na Over A Glass Or Two.
Nasa Amerika sina Jessy. At galing naman sa paglalaro niya ng golf si Paolo sa Cavite the day before.
Maraming pagkakataong napakikinggan ko lang sa gigs ang nagpasikat sa kantang Moonlight Over Paris na siya na ring tumatak sa kanya.
Ang istorya pala niyon, narinig lang ni Paolo sa radyo nang nasa Paris siya at babae pa nga ang kumanta niyon.
“Sabi ko, alam ko ‘tong kanta na ito, 80s noon. So, wala pang internet. parang kay Miss USA Vanessa Williams ko pa yata narinig. Fast forward noong nasa Manila na ako, hinanap at inaral ko ang song. Pati rights sa song. Nakausap ko ang Side A Band. Sabi nila tinutugtog at kanta na nila ‘yun pero, walang pumansin. That time, sila ang biggest band. Hindi raw pumatok.”
Kaya nga malaki ang paniwala niya sa “luck.” At sa timing.
At may nilinaw si Paolo. Na ang radio jock at si Joe D’Mango ang naka-discover sa kanya. Ang dami naman kasing nag-claim na sila ang nakakita at dumiskubre sa kanya.
“Sa isang wedding narinig ni Joe ang boses ko. Tumutugtog ako sa isang gilid so, hindi niya ako nakikita. Buong akala nga niya CD lang ‘yung nagpi-play. Akala niya piped-in music lang. Nag-e-enjoy lang ako. Kasi that time, sa akin makatugtog lang at may libreng inom at kain, okay na. ‘Yun lang ang ibabayad sa akin, okay na.
“Noong nalaman niya na may live pala na tumutugtog at kanta, nilapitan niya ako. Sabi niya, punta ako sa office niya. Something in his head daw says that we’ll hit it off. I went. I was paid well. He just told me to do what I want to do. Hindi nga niya ako pinakialaman. Basta ang sabi niya, if it ain’t broken, don’t fix it. E-mail lang kami lahat. I do remix lang of songs.”
At dahil din doon, nakapagbenta ng mga kanta niya si Paolo. His physical CDs.
“Walang marketing ‘yun. Kaya may certain level of anonimity pa rin ako. One time nga, may show ako. Ayaw ako papasukin ng guwardiya. Akala alalay ako. Eh, hindi pa ako bihis noon. Kaya, hinintay ko na lang kung kailan pwede pumasok. Napahiya ‘yung guwardiya. Hindi naman niya alam, eh.”
Walang lovelife ngayon ang isa ng amang si Paolo. Hangga’t may pandemic eh, hindi na muna niya ‘yun bibigyang-pansin. Hindi nag-work out ang first marriage niya.
Kaya nga nakapagsulat siya a long time ago ng kantang Lumayas Ka. Na siya niyang ipino-promote sa iba’t ibang platforms.
“Nasulat ko naman ‘yun, noong bata pa ako. Nang maghiwalay ang parents ko (1989). Sad and theme pero light lang ang song.”
BS in Business ang kurso niya sa Dela Salle. Pero bata pa lang siya pagtugtog na ang passion niya.
“My goal then was to work for the UN (United Nations). Kaya I went to Geneva to study, sa Webster University. Sabi ko, ‘am gonna pursue a career in foreign service. I stayed with my cousins. Wala akong pera. Kaya may times na tumutugtog ako sa parks. Minsan, naiwan ko nakabukas case ng gitara ko. Then, people threw coins. Akala nagpapalimos ako. In the 90s. Naisip ko later, bakit hindi ko gawin professionally. Pwede pala. People appreciate what I do.”
And he traveled the world. Isang kontinente na nga lang ang hindi pa niya natapakan–ang Africa.
O, ‘di ba? Ang simple lang ng tingin ng marami sa kanya. Simpleng t-shirt at jeans. Kasama lang ang gitara. At ibang klase ng musika.
Pero, ha? Ang lalim na tao pala niyong Paolo na ‘yun.
More than that Moonlight Over Paris ang dami pang love songs na inihihibik ng madalas niyang paiyaking gitara.
There’s more to him than meets the eye. Sabi nga!
‘Di ko nalaman ito sa kahit saang presscon o interbyu, ha! Sa OAGOT lang!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo