Tuesday , December 24 2024

Ted Failon, tinanggihang magkaroon ng show sa telebisyon

INAMIN ni Ted Failon na tinanggihan niya ang alok ng TV5 na magkaroon ng show sa telebisyon. Kaya naman sa Radyo 5  mapakikinggan si Ted kasama si DJ Chacha sa Ted Failon & DJ Chacha, na naka-simulcast sa TV5 at One Ph.

 

Katwiran ni Manong Ted sa pagtanggi sa alok ng TV5 sa isinagawang mediacon kahapon, “Honestly, alam ni Ma’am Luchi (Cruz-Valdes) sa simula ng aming usapan, gusto niya akong mag-telebisyon. Pero sabi ko sa kanya, ‘Ma’am baka puwede pong mag-radyo lang ako ngayon.’

 

“Kasi sa totoo lang, tayo ay dumarating sa punto ng ating buhay, career and ‘yung ating kumbaga, compass ko sa aking buhay, na gusto ko naman muna medyo magbigay ng maraming oras para sa aking sarili, sa aking mga apo at sa aking mga anak.

 

“Kasi ang mga anak ko, lumaki sila practically na they see me going home living the house. Kasi nga naka-focus ako sa aking trabaho.

 

“Ngayon, ang kagandahan eh, nakikita ko ang mga apo na lumalaki and everynight, every morning I kiss them, and I talked to them. Kaya gusto kong mag-lie-low a bit din and ngayon itong konseptong ito, matagal ko nang iniisip.

 

Ang konseptong sinasabi ni Manong Ted ay ibang-iba sa karaniwang napakikinggan sa kanilang tambalan ni DJ Chacha sa DZMM. Sa bagong radio program, mayroong ukol sa music (Ted’s gen and Chaha’s gen musi), balita na 30 minutes (filipino, straight news, straight facts), interview sa current issues, analysis sa mga isyung pambayan at ang partisipasyon ng mga tagapakinig o listener’s interaction.

 

“Actually before I present this, noon pa alam ni Chacha ito, five years ago pa pero hindi kami pinagbigyan. Pero right now ang gusto ko lang ma-achieve ng konseptong ito na gusto kong subukan and hopefully magustuhan ng ating mga kapatid, ng ating mga suki, ng ating mga nagmamahal sa atin and that’s it.”

 

Sinabi pa ni Manong Ted na, “Gusto ko medyo rito lang ako mag-focus ngayon sa radio and gladly ito naman ay mayroong TV component so hintayin na lang natin.

 

“So if you ask me kung ano pa ang gusto kong ma-achieve sa buhay, ako I’m so blessed, isa lang po akong probinsyanong broadcaster na nabigyan ng chance in the big city and right now ako po ay nagpapasalamat ng lubos sa Dakilang May Likha, at sa lahat ng aking mga nakatrabaho and right now thank you po sa TV5, Radyo 5, Ma’am Luchi, sir Robert, MVP at sa lahat ng ating Kapatid sa Radyo 5 na tuutulong sa atin para sa konseptong ito.”

 

Nilinaw naman ni Ms. Luchi na ang radio program nina Ted at Chacha ay magsisimula ng 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. “But the 6:00-8:00 a.m. portion of that will be simulcast on TV5 and on One PH, so magkaiba ang schedule po ang mga TV components, kaya abangan na lang nila iyan.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *