Tuesday , December 24 2024

DJ Chacha, 1st love ang radyo kaya tinanggap ang alok ng Radyo5

AMINADO si DJ Chacha na sobra siyang nalungkot nang mawala ang pagbo-broadcast nila sa DZMM at MOR.

 

“Sabi ko nga po I started with ABS-CBN right after I graduated so ito ‘yun talaga ang first job ko, radio lang talaga. Kaya nang mawala ‘yung radio nalungkot talaga ako.  

 

“And then nang magkaroon ng offer na radio rin, parang nasiyahan ako kasi firt love ko talaga ang radio. Kumbaga, sinabi ko nga kay Sir Ted, mawala na ang lahat, ‘wag lang ang radio.”

 

Idinagdag pa ni DJ Chacha sa isinagawang mediacon kahapon,“Hindi ko po ikakaila na nalungkot ako sa nangyari sa amin, ang naging desisyon ko talaga kung bakit nasa Radyo 5 na ako, radio is my first love, since radio ang in-offer sa akin, ipinagdasal ko rin talaga na kung may radio na io-offer at okey naman siyempre tatanggapin o ‘yun.

 

“Pangalawa, narinig ko po kay sir Ted kanina na we all have to make a living, nagsara po ang MOR sa rati kong tahanan, nang magkaroon ng offer, malalim ang ginawa kong pag-iisip kung dapat tanggapin. Pero siyempre radio ‘yung in-offer sa iyo na gustong gusto mo tapos kikita ka para sa pamilya mo, sino po naman ang hindi hihindi para roon sa magandang blessings and opportunity na iyon.

 

And for me it’s really a blessings to have a work lalo na ngayong pandemic po tayo. Marami po akong mga katrabaho, mga kasama kong DJ’s, most of them talaga wala pa ring trabaho hanggang sa panahong ito. Kaya malaking blessings ang in-offer sa amin ng TV5. And aside from that, for the past 12 years I’ve been with MOR kaya kahit nakapikit ka alam na alam mo na ‘yung ginagawa mo, sanay na sanay ka na.

 

“Noong nakikipag-usap ako sa pamilya ko na may offer na ganito ang TV5, pero sabi ko parang mahirap, mahihirapan ako kasi si Sir Ted ang makaka-tandem ko tapos ‘yung ginagawa namin before dapat 2.0 talaga lahat, as in upgraded na siya. Mas magiging mahirap, pero sabi ng family and friends ko kapag natatakot ka roon ka dapat mas ma-excite kasi ibig sabihin may bago kang matututuhan.

 

“And excited ako sa bagong learnings na makukuha ko sa TV5 dahil ibang-ibang ‘yung gagawin ko rito sa 12 years na ginawa ko sa MOR before and that excites me na for the first time nabigyan ako ng ganitong klase ng opportunity dahil never ako nabigyan, but I’m very thankful for my network before, pero kagaya po nitong mediacon kasama si Sir Ted pag-welcome sa amin ng TV 5 lahat-lahat po ng ito ay isang malaking oportunidad talaga na talagang parang ‘yung trato sa iyo, kapatid ka nila, alagang-alaga ka.

 

“So hindi lahat ‘yun mangyayari kung hindi rin dahil kay Sir Ted.

 

“Kaya super thankful din ako kay Sir Ted kung hindi dahil sa kanya baka hindi rin naisip ng TV 5 na isama ako. Kaya maraming salamat Sir Ted dahil may trabaho pa rin ako,” mahabang paliwanag ni DJ Chacha.

 

Sa Oktubre 5 na simulang mapakikingan ang tambalan nina Manong Ted at DJ Chacha, 6:00-10:00 a.m. sa Radyo 5 na may simulcast sa TV5 at One PH.


Samantala, magkakaroon ng holistic approach na eenganyo sa atensiyon ng publiko ang bagong programa nina Manong Ted at DJ Chacha. Tatalakayin rito ang mga pang-araw-araw na mga isyu, concerns at mga kasalukuyang balita. Ang kagandahan sa programang ito ay ang balanseng paghahatid ng importanteng mga impormasyon kasangga ang mga nakatutuwang entertainment at feel-good stories na bubuhay sa saloobin ng mga makikinig. Kasama na rito ang social media trends, witty anecdotes ng ating mga hosts na kukulay sa mga umaga ng Filipino, bata man o matanda. Magkakaroon din ng mga espesyal na panauhin ang Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5. Kabilang dito ay personalities, newsmakers, at pati ordinaryong mga citizen at netizen na mapaparangalan din sa kanilang mga ginagawang public service initiatives.

 

Ang tambalang Ted Failon and DJ Chacha ang babago sa tunog ng FM at maghahatid ng kakaiba at natatanging radio experience sa publiko na magbubuklod ng dalawang henerasyon sa iisang programa!

 

Gawing morning habit ang Ted Failon and DJ Chacha @ Radyo5 at makinig sa bagong radio program na ito tuwing umaga, 6:00 to 10:00 a.m.. Mapapanood rin ang live simulcast nito simulat 6:00 AM sa TV5 at OnePH (available sa Cignal TV CH.01).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *