MULI na namang kinilala ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, this time, ng PASADO o Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro.
Ang lady boss ng Beautéderm ay gagawaran ng PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko na magaganap sa October 10, 2020 via Zoom.
Kahit hindi politiko at mas kilala talaga bilang mahusay at masipag na businesswoman, si Ms Rhea ay balita sa pagiging mabait at matulungin.
Post ng PASADO sa kanilang FB page: Kinikilala ng GAWAD PASADO ang mga taong may malasakit sa kapwa na handang tumulong sa mga nangangailangan. Siya ay nagbibigay ng kanyang serbisyo sa publiko upang maitaas ang antas ng kanilang pagkilala sa sarili. May mataas din siyang pagtingin sa kahalagahan edukasyon para sa mga kabataan. Sa taong 2019-2020, Iginagawad ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko kay Bb. Rhea Anicoche- Tan. Pagbati!
Bilang pasasalamat, ito naman ang pahayag ni Ms. Rhea sa kanyang FB:
Isa pong malaking karangalan na mapabilang sa listahan ng Gawad Dangal ng Pasado. Ang Pinakapasadong Huwaran sa Serbisyo Publiko 2019-2020
Salamat po sa Phil Normal University. Lubos akong nasisiyahan sa iginawad na parangal na ito sa akin, dahil napakalapit ang puso ko sa mga guro dahilan sa anak ako ng isa ring guro.
Ang karangalang ito ay iniaalay ko sa aking mga sellers sa buong mundo. At sa lahat ng nagmamahal at patuloy na tumatangkilik sa Beautéderm
Patuloy kong pinagdarasal ang aming munting kumpanya para sa mas marami pang buhay na mabago 🙏
Salamat PASADO awards!
]This is all for You Lord 🙏
Si Ms. Rhea ay pinangaralan din kamakailan ng People Asia Magazine bilang “Women of Style and Substance.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio